^

PSN Opinyon

Impeachment case kay GMA wa epek

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
WALA pa ring magandang nangyayari sa Pilipinas. Sangkatutak pa rin ang problema ng bansa. Ganito nang ganito taun-taon. Marami pa rin ang naghihirap. Ang mga pulitiko lamang lalo na ang mga nasa poder ang yumayaman at nagiging makapangyarihan.

At ngayon heto na naman ang mga pulitiko at pilit na binubuhay ang impeachment case laban kay President Arroyo. Noon ay naging magulo na ang labanan ng mga pulitikong kakampi ni Arroyo at mga kalaban nito. Marami ang nag-grandstanding lalo ang mga nagpaplanong kumandidato.

Dahil kailangan ng mga pulitiko ang mga kontrobersyal na isyu para magpasikat, ang pagpapatalsik na naman kay GMA ang kanilang inihahain sa pangalawang pagkakataon. Napag-isipan marahil ng mga kalabang pulitiko ni Arroyo na ito pa rin ang pinakamagandang panlaban. Naisip marahil nila na makukuha na nila ang taumbayan. Sa palagay ko, umaasa na silang mapatatalsik si Arroyo sa pagkakataong ito.

Subalit ito ay exercise in futility. Ang ibig kong sabihin, failure in reality na naman ito sa mga nasa oposisyon. Kung noon na mas maraming galit kay Arroyo ay hindi nila napatalsik, ngayon pa kayang nakaahon na ito ng husto at alam na ang mga gagawin? Pagsasayang na naman ito ng panahon at paglulustay ng pera ng taumbayan. Masasaksihan na naman ang corruption in action at ang kawalan ng dignidad at moralidad ng mga opisyal.

Sa mga susunod na araw siguradong busy na naman sa pagbabatuhan ng putik ang mga pulitikong kakampi ni Arroyo at mga pulitiko na nasa opposisyon.

ARROYO

DAHIL

GANITO

MARAMI

MASASAKSIHAN

NAISIP

NAMAN

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with