^

PSN Opinyon

Habag at hindi hain

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA ginagalawan na-ting mundo ngayon, may mga tao pa ring namimili ng kanilang pakikitunguhan. Kung minsan, sinasabi natin sa sarili, "Aba, kailangang mag-ingat ka na ngayon. Marami nang manloloko." O di kaya naman, "Delikado ang panahon ngayon; hindi mo alam kung ang pinakikitunguhan mo ngayon ay taong may masamang balak sa iyo."

Oo nga’t kailangang mag-ingat sa pakikitungo sa kapwa. Datapwat mayroon tayong angking talino at pakiramdam upang masabi natin sa ating sarili kung ang isang tao ay may masamang balakin o hindi. Kinukutuban tayo.

Sa Ebanghelyo sa araw na ito, ang punto ni Jesus ay ang ta-mang pakikitungo lalo na sa mga nangangailangan o di kaya ay tinuturing na "bale-wala" ng lipunan (Mateo 9:9-13).

Umalis si Jesus sa lugar na iyon. Sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala’y Ma-teo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, "Sumunod ka sa akin." Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.

Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila’y magkakasalong kumain. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, "Bakit sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan ang inyong guro?" Narinig ito ni Jesus at siya ang sumagot, "Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko at hindi hain’. Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal."

BAKIT

DATAPWAT

DELIKADO

HABAG

HUMAYO

MATEO

NANG

SA EBANGHELYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with