Pero biglang sumigla ang activities ng CPP-NPA. Pinagmalaki pang sila ang nasa likod ng mga patayan na naganap sa ibat ibang lugar ng Pilipinas.
Hindi ko alam kung bakit masyadong maluwag ang pakikitungo ng gobyerno sa CPP-NPA gayon malaking perwisyo ang ginagawa nila sa bansa. Pinipinsala nila ang taumbayan lalo ang mga nasa liblib na pook sa mga probinsiya. Hinuhuthutan nila ang mga ito ng salapi, ani sa bukirin at mga produkto. Talo pa nila ang gobyerno.
Kung naging desidido lamang ang mga pinuno ng pamahalaan, matagal nang napulbos ang CPP-NPA. Bilang na bilang na ang miyembro nila noon. Ewan ko kung bakit hindi ito tinuldukan ng gobyerno. Malaking katanungan kung bakit sila pinabayaang nakatayo.
Sabagay, kahit ngayon, puwede pa ring mapulbos ang NPA kung gugustuhin lamang ng gobyerno.
Sa palagay ko, ang mga pinuno mismo ng pamahalaan ang may gustong mamalagi ang NPA upang ma-justify ang paghingi nila ng malaking budget para sa military o pulisya.
Hindi na malaman ngayon kung lokohan o totohanan ang mga nangyayari sa loob man o labas ng gobyerno. Tingnan ko kung may masasabi ang mga opisyal ng gobyerno kapag nabasa nila ang kolum na ito.