Giyera patani sa Kongreso!
June 29, 2006 | 12:00am
MAGLALABASAN na parang sungaw este mali singaw pala ang mga bright people dahil sa second impeachment complaint na isinampa ng opposition sa Office ni House Secretary General Roberto Nazareno.
Umaatikabong bakbakan ito oras na umusad ang reklamong patalsikin sa trono si Prez Gloria Macapagal-Arroyo sa Kongreso dahil makikita at maririnig ng madlang people ang magagaling at mauutak na mga pupol este mali politiko pala na magde-debate. Sabi nga, talsikan ng laway. He-he-he! Matira ang matibay.
Dehins pa nag-uumpisa ang ikinukuwento ko ay naggigirian na ang Anti-GMA at ang Pro-GMA. Ika nga, bakbakang umaatikabo.
Kung kami ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin hayaan na lamang umusad ang impeachment sa Mababang Kapulungan para matigil na ang bangayan at manahimik na rin ang bansa.
Dahil sa gulong ito dehins nararamdaman ng ating mga kasangga na tataas ang presyo ng lahat ng bili-hin. Ika nga, left and right ang bunot ng pitsa sa bulsa. Paano ang mga kasangga nating walang mabunot? Ang PRO at ANTI tiyak may pitsa iyan! Sabi nga, may bubunutin
Ano kaya ang mangyayari kapag umusad ang impeachment? tanong ng kuwagong pobreng alindahaw.
Kung may atik kang bubunutin wala kang problema pero kung alaws kang pitsa malaking problema iyan, kamote, sagot ng kuwagong naghuhugas ng talong.
Bakit? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Abangan mo kamote, parang jet bubulusok paitaas ang mga prices.
"May wage increase ba kapag may impeachment?
Wala, sagot ng kuwagong kotong cop.
Paano tayo ngayon?
Diyan lagapot yari tayo!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended