Tiyak ang iba sa inyo dehins pa nakakatikim nito ay nagtataka kung bakit ganito ang pasakalye ng mga kuwago ng ORA MISMO. Try it and youll love it.
Sabi nga, hanep sa lasa! Kahit imported ang matitikman ninyong produkto affordable ang presyo. Ika nga, pang-MASA!
Ang Kopiroti ay may anim ng branches sa Metro Manila at ang pinaka-main nito ay matatagpuan sa Morato St., QC. Ang isa sa may Katipunan Avenue, QC, ang tatlo ay makikita naman sa NAIA.
Mabait at makatao sina Wilson at Julie Tecson, ang owner ng Kopiroti. Sabi nga, karinyoso sa mga customer pati mga anak nila.
Masarap, malinamnam at imported ang matitikman ninyong inumin siyempre puwera ang tubig. Ano pa ang hinihintay ninyo punta na kayo.
Ang isyu, pinaka-corrupt ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, DPWH at DepEd sabi ni Chief Ombudsman Merceditas Gutierrez.
Para sa mga kuwago ng ORA MISMO, matagal ng isyu ito at halos every year ang announcement pero up to now ay wala pa ring pagbabago at nangyayari para mahinto o kundi naman ay masupil ang kagaguhan sa mga nabanggit na ahensiya ng government sa itaas.
Siguro panahon na Chief Ombudsman na bigyan ng aksyon ang mga sinasabi mo hindi iyong puro ngawa na lamang sa diyaryo, telebisyon at radio. Sabi nga, nakatutulig nang pakinggan.
Ano ba ang aksyon ng tanggapan mo sa mga bugok na corrupt offices ng government. Meron bang naparusahang matabang isda todits?
Ang alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga nadadale lamang ay iyong mga dilis at hindi balyena, he-he-he! Kung bakit iyan ang itanong natin sa kanila?
Sangkatutak ang nakasuhan sa nasabing office pero alaws nangyari sa iba dahil ang mga tinira todits ay nakabalik sa kani-kanilang puwesto at ang iba na-man ay nailagay pa sa mga juicy positions matapos maimbestigahan ng Ombudsman. Sabi nga, due process!
Mahirap din kasing banggain ang mga korap sa gobyerno may mga pitsa itong ginagamit pangtakip sa mga mata ng mga gagong imbestigador. Iyon bang mga investigator team na matatakaw sa atik!
Kaya alaws nangyayari sa mga kaso.
Sabi nga, bulsa muna bago bayan. He-he-he!
Magandang pag-usapan ang isyung ito kaya lang kapos ang kolum ng Chief Kuwago, anang kuwagong kurakotero.
Sayang napapasarap pa naman ang basa ko, sagot ng kuwagong bulag.
Ano kaya ang dapat gawin para matigil ang corruption sa Pinas? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Umpisahang putulin ang itaas pababa tiyak alaws ng corruption, anang kuwagong Kotong cop.
Anong ibig mong sabihin?
Hindi ka ba nakaiintindi kamote kapos nga ang kolum."
"Iyon lang!