Dupang na parak ng police station sa Agham Road,QC, hulog sa BITAG!
June 19, 2006 | 12:00am
Maraming matatagumpay na entrapment operation ang ginawa ng BITAG laban sa mga tiwaling pulis na ang estilo ay mang hulidap.
Subalit, marami rin naman ang mga "wais" sa paggawa ng kanilang katarantaduhan at katiwalian, nakakaiwas sa patibong na aming inihanda. Pero sinisiguro namin na hindi pa rin sila ligtas sa aming BITAG.
Katulad nito ang istorya nang lumapit sa amin si Tess. Hinuli at ikinulong daw nang limang araw ang kanyang asawang muslim na si Camal, sa police block ng Agham Road, Quezon City.
Hindi man lamang ininquest o dumaan sa proseso ang biktima at ang tanging nakakausap lamang ng biktima ay ang pulis na PO2 Jose Igig. Unang sinabi raw nito sa kanya na makakalaya lamang daw ang kanyang asawa kung papayag itong makipagtalik sa kanya.
Hindi pumayag si Tess, kayat nagbago ang isip ng manyakis na pulis at sa halip, sinabi nito na magbigay na lamang daw siya ng sampung libong piso kapalit ng kalayaan ng kanyang asawa.
Agad naming inilapit ang kasong ito sa District Intelligence and Investigation Division O DIID ng Camp Karingal sa pamumuno ni Col. James Brillantes, itoy upang ikasa ang entrapment kay PO2 Igig.
Napagkasunduan na sa Agham Road din ibibigay ni Tess ang pera, kayat nag-steak out ang grupo ng BITAG at DIID sa site, inaabangan pag-abot ng pera kay PO2 Igig na lingid sa kanyang kaalaman ay marked money na.
Pero sadyang makapangyarihan ang kasamaan sa lupa, nakatunog ang "magaling" na si Igig. Hindi sumipot si Igig, sa halip dinala sa mobil ang asawa ni Tess na si Camal, at dinala sa District Anti Illegal Drugs o DAID sa Camp Karingal upang doon iturn-over ang kaso.
Sa limang araw na pagkakulong ng kapatid nating muslim na si Camal, wala man lamang ginawang report ang mga magagaling na pulis. At ang ibinigay nilang turn-over paper sa DAID ay puro basura at pawang kasinungalingan.
Hindi man nahuli sa entrapment operation ang "dupang" na pulis na si PO2 Jose Igig, hindi pa rin siya ligtas sa BITAG ng hustisya. Dahil maari siyang kasuhan ng Arbitrary Detention.
Mensahe namin sa iyo PO2 Igig, nakatakbo ka man sa aming BITAG, hindi ka pa rin ligtas, patuloy namin tutugisin ang katulad mong dupang sa kapulisan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest