Bagong anyo ng San Agustin Elem. School sa Gerona, Tarlac
June 18, 2006 | 12:00am
Naisakatuparan ang lahat ng ito dahil sa isang taong sadyang matulungin sa kapwa sa katauhan ni Mr. Miguel Go Belmonte ang over all chairman ng Damayan Foundation na walang sawang nagpapakalat ng mga tauhan upang alamin ang mga paaralan na higit na nangangailangan ng pagkalinga.
Para sa kaalaman ng lahat mula nang itatag ang mga pahayagan ng Star Group of Publications ay kabalikat na nito ang pagtulong sa mamamayan na sinalanta ng kalamidad, may kapansanang walang kakayahan magpagamot o bumili ng gamot, pagtayo ng mga bagong silid aralan at scholarship program.
Taon 2002 nang itayo ang tatlong silid aralan sa Bangaan Elementary School sa bayan ng Banaue, Ifugao Province na kung saan napunuan ang kakulangan ng mga aklat at computer na kapaki-pakinabang sa mga guro at mag-aaral. At nitong nakaraang buwan lamang, aming kinabitan ng isang unit ng Dream Sattelite na sinaksihan ni Bgy. Chairman Samuel Abbig at ng kaibigan kong si Ifugao Provincial Director P/SSupt. Elmer Jamias at Banaue Police Chief P/ Insp. Willy Yoro Sr.
Mapalad namang nabiyayaan ang Tabason Elementary School sa Tagkawayan, Quezon noong 2003 ng tatlong classroom, library with computers at isang unit ng Dream Sattelite. Ang Malou Elementary School sa Bansud, Oriental Mindoro ay napagkalooban din ng proyekto noong 2004 na kahalintulad din ng proyekto, Subalit mga suki, mayroon akong nasagap na balita na tila yata hindi binibigyang halaga ng pamunuan ng Malou Elementary School ang proyektong ibinigay sa kanila ng Damayan. Abangan!
At ngayon ito ang araw ng katuparang pinangarap ng Damayan na maihandog sa lahat ng mag-aaral ng Barangay San Agustin Elementary School ang bagong anyo ng kanilang paaralan. Chairman Fortunato Romeo muli kung uulitin na kayo na ang bahalang magbigay ng seguridad na aming iiwang proyekto para sa lahat ng inyong residente at maging sa karatig barangay. Palakpakan naman!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended