Ayon sa medical study mula 53 hanggang 93 taong gulang ang nagkaka-diabetes bunga ng hindi pagtulog ng tamang oras.
Normal na tulog ay pito hanggang walong oras sa bawat araw. Hindi dapat na bumaba sa lima ang oras ng pagtulog at hindi naman dapat lumampas sa siyam na oras.
Ayon sa diabetologist na si Dr. Celia Talusan mali ang akala ng marami na mabuti ang matagal na pagtulog. Dapat ay pito hanggang walong oras lamang ang pagtulog araw-araw. Sinabi niya na normal sa mga tumatanda ang maikling oras na pagtulog pero dapat na uminom sila ng gatas, bitamina at food supplement. Ipinapayo rin niya na dapat na mag-exercise regularly at kumain ng masusustansiya, regular na kumain ng sariwang prutas at gulay.