Dalawang hakbang sa Charter change
June 9, 2006 | 12:00am
MAINAM sanang paraan ng pagbago sa Konstitusyon ang constituent assembly ng Senado at Kamara. Sa isang pasada, maipapasa nila ang tatlong reporma: pag-alis ng hadlang sa investments para magkatrabaho lahat at maibsan ang kahirapan, paglatag ng matatag na parliamentary form, at ganap na awtonomiya sa federal structure.
Kaso, ayaw ng Senado umupo kasama ang Kamara. Iginiit ang magastos at mabagal na constitutional convention. Kaya napilitan ang Sigaw ng Bayan mangalap ng pirma sa peoples initiative. Siyam na milyon ang lumagda sobra sa 12% na hinihingi sa Konstitusyon. Ang haharapin na lang ng initiative ay ang pasya ng Korte Suprema kung sapat ang batas para sa peoples initiatve. Kung umoo ang Korte, plebisito agad na susuportahan ng samahan ng mga gobernador, mayor, bise, provincial board members, at konsehal.
Ang problema lang sa peoples initiative, paisa-isang amyenda lang ang puwede, hindi pagrebisa ng buong Konstitusyon na puwede sa constituent assembly at constitutional convention. Kaya ang proposisyon ng Sigaw ay para lamang sa parliamentary form. Kung manalo ito sa plebisito, inaasahan ng Sigaw na itutuloy ng Interim Parliament ang dalawa pang reporma: sa ekonomiya at federal, na idadaan muli sa plebisito. Kumbaga, naging dalawang hakbang ang Charter change.
Pero ganun talaga kahirap magreporma sa Pilipinas. Hindi basta ibibigay ng naghaharing uri ang poder. Kailangan unti-unti itong agawin sa kanila ng taumbayan. Yung iba nga, nagrerebelde na dahil sa inip sa reporma. Pero sa two-step Cha-cha mapayapang marereporma ang bansa.
Batay sa huling survey ng Pulse Asia nung Marso 2006, 67% ng madla ang nais ng Cha-cha (43% agad at 24% unti-unti, laban sa 24% ayaw sa pagbabago. Malaking lundag ito mula sa 56% nung Marso 2005 (29% agad at 27% unti-unti, laban sa 28% ayaw sa pagbabago).
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 25, 2024 - 12:00am