Happiness budget!
June 6, 2006 | 12:00am
MAAARING unfair na ikumpara sa baboy ang budget na mahigit isang trilyon na sinumite ng Malacañang bagamat punumpuno ito ng pork barrel hindi lang ng mga "kagalang-galang" na mga senador, kongresista kung hindi ni Madam Senyora Donya Gloria.
Kesa tawaging baboy na budget dahil binaboy naman talaga ito ay sabihin na lang na fake, dahil malinaw naman sa lahat na itong budget na nais ng Malacañang ay punumpuno ng peke. Sabagay, ano ba ang aasahan e peke naman ang makikinabang.
Anyway, kinatay ng Senado ang naturang budget, lalo na yung mga pork barrel ni Madam Senyora Donya Gloria at mga malalapit sa kanya na nagkakahalaga ng P64 billion. Sa numero po, P64,000,000,000.
Kaso tiyak na ibabalik ito ng mga kaalyado at kakampi ni Madam Senyora Donya Gloria sa Kongreso pagdating ng bicameral conference meeting na inumpisahan kagabi.
Walang duda na pagpipilitan nila na ibalik ang naturang halaga dahil wala hong auditing ang mga pinutol na ito. Karamihan ho rito ay mga bilyong pisong halaga ng pera na si Madam Senyora Donya Gloria lang ang magdedesisyon kung saan mapupunta.
Ito ho yung mga may magagandang mga pangalan pero ang katotohanan ang mga lump sum na pinamimigay ni Madam Senyora Donya Gloria sa mga kongresista hindi pumirma at patuloy na hindi pipirma sa impeachment case laban sa kanya.
Ang iba naman ay para sa mga magigiting na gobernador at mayor na walang ginawa kung hindi pumalakpak nang malakas at mag-tsutsuwa sa Malacañang. Sila ho yung malalakas pumalakpak noong nakaraang peke ring State of the Nation at sa susunod pang puno ng kasinungalingang State of the Nation.
Katunayan niyan, hindi pa nga nagkikita ang mga senador at kongresista sa bicam ay pumapalag na ang ilang mga kongresista ng administrasyon gaya nina Reps. Ed Zialcita at Isidoro Real na maganda raw itong Kilos Asenso Support Fund na nagkakahalaga ng P3.7 billion (P3,700,000,000) at P3 billion (P3,000,000,000) na Kalayaan Barangay Program Fund.
Gaya nga ng nasabi ko, magandang pakinggan pero bakit wala namang asenso at kahit kilos. Meron ho daldal at pagpapapogi. Ganundin naman sa barangay, puro barangay tagay pero nasaan ang improvement ng barangay.
Tsaka, bakit kailangang iwanan sa isang tao ang pagdedesisyon ng anumang budget na ganoon kalaki, hindi naman ito pera ni Madam Senyora Donya Gloria. Naalala ko tuloy ang mga signages na nagsasabing GMA Cares sa mga project ng gobyerno.
Bakit magiging she cares, hindi naman pera niya ang pinagpagawa rito. Ang dapat ay ilagay kung magkano ang involve, sino ang kontratista, kelan matatapos at paano inaward ang project? Walang dapat umangkin sa naturang proyekto dahil hindi pera nila ang ginagastos roon kung hindi ng sambayanan.
Ang mas karapat-dapat magpasalamat ay yung mga opisyal ng gobyernong kumita at lumigaya dahil may pera silang galing sa sambayanan na kanilang ginagastos.
Anyway, bago tayo lumayo nang husto. Dapat natin tandaan ang mga miyembro ng Kongreso na walang ginawa kung hindi ipagtanggol ang katiwalian dahil obvious na obvious na ginagamit ang budget sa maling paraan.
Tingnan nyo na lang itong nadiskubre ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson sa National Printing Office. Lumalabas na pinaimprenta sa naturang opisina ng gobyerno ang mga materyales pabor sa Charter change. Akala ba natin private sector ang nagtutulak nito, eh bakit gagastusan ng pera ng bayan. Kaso, kahit buking na, ayaw pa umamin.
Naisip tuloy natin ang "bakit kami magbabayad ng 12% na VAT, nanakawin lang yan, sayang ang pera namin."
Oo nga, sabi nila noon pag inangat ang VAT at palawigin ay uunlad ang buhay ng tao. Tanong tuloy, sinong tao, tao ni Madam Senyora Donya Gloria. Paano ang taong Pilipino, kelan sila uunlad.
HAPPINESS BUDGET talaga!!!
Naglakad si Madam Senyora Donya Gloria sa Divisoria kamakailan upang alamin ang presyo ng mga notebooks na tinitinda rito. Natuklasan niyang mas mura ruon at meron pa raw notebooks na halagang P8 lang.
Buti naman nakita niya na mas mura kesa sa mga dambulahang malls na puro ang alalay at suporta niya. Pero mas mura pa ho sana kung hindi hinahataw ng mga extortionists na taga-Customs, immigration at iba pang sangay ng gobyerno ang mga nagtitinda sa 168, Binondo, Divisoria, Baclaran at iba pa.
Lumalaki ho ang gastos nila tuwing hinaharass sila at kanino ipapatong yun, natural kay Juan dela Cruz.
Para anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended