^

PSN Opinyon

Problema sa Bagumbayan National High School

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MAY big problema pala si Delfin Hernandez, ang OIC Principal ng BNHS, porke alaws daw itong authority to sign sa mga legal documents ng mga students na magtatapos todits and besides, may matching death threat pa ito sa kanyang life dahil may mga gagong nagsisiga-sigaan sa school na dating kamote.

Ang mga kinakapos, este mali, magtatapos pala na mga students ang apektado todits.

Kawawa naman! Amen.

Kaya kailangan ang tulong ni super lady, si DepEd Secretary Fe Hidalgo para mabusisi ang anumang milagro sa school kung mayroon man.

Dapat ding bulatlatin ni Secretary Fe ang lihim na problem ng BNHS. May mga nagmumulto raw todits. Totoo kaya ito? Ikaw na ang bahala, Secretary Fe!

May singilan blues din daw na nangyari noong graduation P560.00 daw ang siningil sa mga graduating students. Take note, Secretary Fe!

Ang sabi sa mga kuwago ng ORA MISMO, P150.00 lang ang dapat singilin sa mga parents ng graduating students. Saan kaya napunta ang sobra? Naku ha?

Alam kaya ito ni Dr. Evelina M. Viloria, ang Assistant School Division Superintendent ng DepEd-Division of Taguig and Pateros? Sino naman si Renato Maseda, Dr. Viloria?

Totoo ba ang bulong sa mga kuwago ng ORA MISMO na si Rene daw up to now ang kumukumpas diyan sa school.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Rene raw ay sinibak na sa puwesto noon pang Enero 4 last year dahil sa violation ng rules and regulation ng DepEd.

Alam din daw ito ng Civil Service Commission porke laglag ito matapos siyang mag-apela. Sabi nga, goodbye my teacher, goodbye! May usapang politika pala todits?

Ano kaya ang masasabi ni Dr. Teresita G. Domalanta, NCR Director ng DepEd?

"May malalim na problema pa pala regarding sa politics todits," sabi ng kuwagong pulpol na teacher.

"Sino si Fe?" tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

"Kapos ang kolum ng Chief Kuwago, marami pa siyang issue na tatalakayin sana," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ano itong P9 million?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Iyan kamote ang dehins na maibibida ng Chief Kuwago."

"Bakit?"

"Kapos nga ang espasyo, tigas ng ulo mo."

"Ok, lagapot!"

ALAM

ANO

ASSISTANT SCHOOL DIVISION SUPERINTENDENT

CHIEF KUWAGO

CIVIL SERVICE COMMISSION

DELFIN HERNANDEZ

DIVISION OF TAGUIG AND PATEROS

SECRETARY FE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with