Kaso umusad vs Pacific Plans Incorporated

MUKHANG magkakaroon ng hustisya ang madlang people na biktima ng Pacific Plans Incorporated matapos ipagharap ng syndicated estafa ang kompanya sa Prosecutors Office sa Manila.

Kinasuhan ng plans holders ang Pacific Plans Incorporated dahil ang pangako nila sa mga ito regarding sa mga benefits ng educational plans ay napako. Ika nga, educational plan for the students napindeho.

Libu-libo pala ang plan holders ng Pacific Plans Incorporated ang magsasampa rin ng reklamo laban sa nasabing kompanya.

Matindi ang kasong syndicated estafa kung tutuusin non-bailable ang case for your information.

Tanong patas ba ang batas ng mahihirap versus mayayaman?

Ang tamaan huwag magalit!

Sabi ng mga asset sa mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan dumalo sa hearing si Helen Yuchengco-Dee, former Prez ng Pacific Plans sa June 8 sa Manila.

Maraming isinama sa syndicated estafa silang dating Ambassador Alfonso Yuchengco, Alfonso Yuchengco Jr., Alfonso Yuchengco III, Susan Yuchengco-Santos, Yvonne Yuchengco, Ricardo Chua, Porfirio de Guzman Jr., Jose dela Cruz, Marcelo Dy, Ernesto Garcia, Liwayway Gener, Norman Gonzales, Joseph Grino, Armando Medina, Maribel Obidos, Nilo Ona, Patricio Picazo, Guia Margarito-Santos, Emeterio Roa Jr., Armela Santiago, Samuel Torres at Adelita Vergel de Dios.

‘‘Bakit ba sila kinasuhan ng syndicated estafa,’’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Kinangkong kasi nila ang pitsa ng plan holders,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ginastos ba nila ang pitsa ng plan holders kaya ayaw ibalik sa kanila ito?’’ tanong ng kuwagong mangongotong.

"Siguro’’

‘‘Bakit ayaw nilang ibalik ang atik samantala mga super yaman sila?’’

‘‘Iyan kamote ang itanong mo sa mga kinasuhan.’’

‘‘Abangan.’’

Show comments