Ganid na negosyante, ganid na opisyal!!!
May 23, 2006 | 12:00am
YIWU, China Wala pa hong ilang oras lumisan ang bagyong si Caloy na tinawag na Chanchu rito noong nakaraang linggo ay malinis na ho ang kalye at wala na ang mga nagkalat na sanga o dahon ng mga puno.
Lahat pa naman ng kalye rito ay tadtad ng puno hindi kagaya riyan sa atin na pinagpuputol nang magaling na Metro Manila Development Authority Chair Bayani Fernando upang palawakin daw ang mga kalye pero pinalitan lang ng mga PINK na tulay at PINK na urinals na umaalingasaw.
Anyway, doon makikita ang disiplina ng kanilang mga nagwawalis at nag-aayos ng kalye. Pangitang-pangita na maaga pa lang ay tiniyak nilang walang kalat at ginawa na nila ang kanilang mga trabaho. Kayo na magsabi kung ano pagkakaiba nila sa MMDA natin.
Mabilis ang ginawa ng kanilang gobyerno na palisanin ang mga mamamayan nilang nakatira sa mga mabababang lugar at ang bilang ho ng mga pina-evacuate ay hindi nasa libo kung hindi nasa milyon. Ang mga tinuluyan naman nila ay hindi eskuwelahan gaya ng ginagawa rito sa atin kung hindi lugar na meron silang maayos na matirahan ng ilang araw. Meron din silang pagkain, inumin at malinis na CR.
Hindi rin po namatay ang kuryente dahil nasa ilalim ang mga kawad at lalong hindi naputol ang iba pang uri ng serbisyo ng mga kapulisan at kasundaluhan na agad-agad namang rumeresponde sa mga nangangailangan.
Of course, sumusunod din ang mga tao nila sa pinag-utos na huwag lumabas dahil nga sa bagyo hindi kagaya rito sa atin na magpupuntahan sa mall.
Sa pribadong sector naman, walang nanamantalang mga negosyante na biglang nagtataasan ng presyo ng bilihin. Hindi ito kagaya noong reklamo ni Dante Ondoy, isang overseas Filipino worker sa Jubail, Saudi Arabia na nag-e-mail at sinabing ilang araw na nakaalis ang bagyo sa Pinamalayan, Oriental Mindoro ay wala pa raw kuryente. (sana naman meron na habang sinusulat natin).
Nanamantala rin ang ilang mga negosyante kaya ultimo mga kandila na dating nagkakahalaga ng tig-P20 ay umabot sa P30 pesos. Ang litro naman ng kerosene na ginagamit sa petromax sa gabi dahil wala nga namang kuryente ay P40 na.
Masakit nito, ayon kay Ginoong Ondoy, wala namang grabeng pinsala o nasira man lang na daan o pier. Katunayan, pagkalampas ng bagyo ay tuluy-tuloy na muli ang biyahe ng barko mula sa Calapan hanggang sa Batangas.
Obvious na naging ganid ang ilang mga negosyante na hindi uubra rito sa China. Hindi kakatigan ng gobyerno nila ang ganoon at kung bakit hindi kumilos ang pamahalaan natin dito ay isang malaking katanungan.
Parang mga kompanya ng petrolyo rito sa atin na pag tumaas sa ibang bansa ang presyo ng krudo, kahit na may lumang stock pa ay taas din sila agad pero pag bumababa naman ay hindi nila ibababa agad. Ang Department of Energy naman ang magiging kasagutan, wala tayong magagawa dahil may oil deregulation. Ano pa ang silbi ninyo kung wala kayong magagawa, sumuweldo at kumain at gamitin na lang ang pera ng bayan?
Pero bago tayo lumayo nang husto, ang mga negosyante ho rito, gaya ng nandyan sa atin ay iisa rin ang iniisip - yan ay kumita ng husto at yumaman. Sino ba naman ang may ayaw at kagaya ng sinasabi natin lagi ang BUSINESS WALANG KONSENSIYA.
Kaso nga lang, ang mga negosyante rito pumapayag na maliit ang kita. Kumbaga kumita man sila ng diyes sentimo kada gamit na tinitinda ay masaya na sila dahil libu-libo naman ang kanilang nabebenta. Dinadaan sa dami.
Hindi kagaya rito sa atin, titiyakin na ang patong ay minimum na 30% kaya super taas tuloy lagi ang mga bilihin. Ganid na sistema.
Ngayon pag tinanong naman, sasabihin na mataas daw kasi ang mga overhead expenses nila gaya ng kuryente, tubig, upa at iba pa.
Eh paanong hindi magkakaganoon, ultimo tubig, kuryente at iba pang overhead na gastusin nila ay mataas din dahil ang mga nagpapaupa gaya ng mga malalaking malls ay kokolektahan ng mataas na upa ang mga tindahan sa loob nila at bukod pa yon sa percentage of the gross. Ehemplo po nito ay kung ang benta mo ay P10,000 sa isang araw, kailangan mo magbayad sa mall owner ng kung ilang porsyento bukod sa upa mo.
Hindi pa ho kasama rito ang advance payment, deposit at kung anu-ano pa na siya namang tunay na nagpapataas ng bilihin at lalo namang nagpapahirap sa ating mga mamamayan.
Pero ang pamahalaan naman natin, hindi kumikibo sa ganoong bulok na sistema. Tango na lang nang tango. Walang angal, masaya pa lalo na at sila ang guest of honor sa opening nito.
Bakit kaya? O magkano ang dahilan? Ganid na negosyante, ganid na gobyerno. Paano tuloy ang Pilipino?
Para anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended