^

PSN Opinyon

Technical malversation

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Mila ay presidente ng isang State College. Noong 1989, 34 secondary teachers ng nasabing kolehiyo ang nag-aplay para maging Instructor I. Sa pamamagitan ni Mila, inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang aplikasyon ng mga guro. Kaya, naglaan ang DBM ng P40,000 para sa salary differentials ng mga nasabing guro mula sa lump sum appropriation na pinagtibay ng General Appropriations Act of 1989 at sa current savings ng personnel services ng kolehiyo.

Sa katunayan, ang 28 sa 34 na guro ay may posisyon nang Secondary School Teacher III at tumatanggap ng suweldo ng isang Instructor I. Samantala, ang natitirang anim ay nasa posisyon bilang Secondary School Teacher II kung kaya ang natatanggap nila ay mas mababa sa suweldo ng Instructor I. Dahil dito, P8,370 lamang ang ibinigay ni Mila sa anim na guro bilang salary differentials nila. Samantala, ang balanseng P31,516.16 mula sa P40,000 na naigawad ay ipinambayad naman ni Mila sa anim na casuals na nagtratrabaho sa nasabing State College bilang terminal leave benefits ng mga ito.

Sa paggamit ni Mila ng bahagi ng P40,000 bilang suweldo ng anim na casuals na manggagawa na dapat ay salary differentials ng mga secondary school teachers, siya bilang presidente ng kolehiyo at ang cashier at administrative officer ay nakasuhan ng technical malversation batay sa Article 220 (2nd paragraph) ng Revised Penal Code.

Matapos ang paglilitis, napatunayan si Mila ng Sandiganbayan na nagkasala at may sentensiyang multa na P3,000. Tinutulan ni Mila ang desisyong ito dahil hindi raw napatunayan ng ebidensiya ng prosecution na may kriminal siyang layunin sa paggawa nito. Subalit, nanatili ang Sandiganbayan sa desisyon nitong nagkasala si Mila batay sa Section 5(b), Rule 131 ng Rules of Court, kung saan ipinapalagay na dulot ng isang kriminal na layunin ang isang gawaing labag sa batas; na ipinapalagay na may kriminal na layunin ang iligal na gawain. Kung kaya kapag ang isang gawain daw ay labag sa batas, sanhi ito ng isang kriminal na layunin. Tama ba ang Sandiganbayan?

MALI.
Sa kasong technical malversation, hindi kaagad ipinapalagay na mayroong kriminal na layunin ang paggamit ng pampublikong pondo sa isang pampublikong layunin dahil hindi agad ito itinuturing na isang gawaing labag sa batas. Sa katunayan, hindi masasabing labag sa batas ang pagbabayad ni Mila ng obligasyon ng kolehiyo sa anim na manggagawang casuals dahil kung tutuusin nararapat nilang matanggap ang kanilang terminal leave benefits batay sa Civil Service Laws.

Hindi napatunayan ng ebidensya ng prosecution na si Mila ay may kriminal na layunin sa pagbibigay nito ng terminal leave benefits dahil ang kanyang ginawa ay hindi labag sa batas. Hindi rin ito maituturing na isang malum prohibitum kung saan ang kriminal na layunin ay hindi na isinasaa- lang-alang pa. Kaya, si Mila ay napawalang-sala (Abdulla vs. People, G.R. 150129, April 6, 2005, 455 SCRA 78).

CIVIL SERVICE LAWS

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

INSTRUCTOR I

ISANG

LAYUNIN

MILA

SANDIGANBAYAN

SECONDARY SCHOOL TEACHER

STATE COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with