Hindi kami nasisindak sa inyo…

BAGO namin naipalabas sa BITAG noong nakaraang Sabado ang segment na ginawa ng aming grupo hinggil sa garapalang pangloloko ng ginagawa ng mga emleyado "ALJA MARKETING ENTERPRISES" sa kanilang mga binibiktima.

Dalawang representante ng nasabing kumpanya ang nagpunta sa aming opisina upang iparating ang mensahe ng ipinagmamagaling na abogado ng kanilang kumpanya.

Ang mensahe, sa oras daw na ipalabas ng BITAG sa publiko ang mga naidokumento nito hinggil sa panglolokong ginagawa ng kumpanya ng "ALJA MARKETING ENTERPRISES," kakasuhan daw ang aming grupo.

Ito ay sa kadahilanang, hindi pa naman daw namin napapatunayan na bogus at hindi epektibo ang kanilang produkto.

Basahin ninyo at intindihin ito, "hindi namin kinukuwento kapag hindi namin naidodokumento," ganito magtrabaho ang aming grupo. Hindi namin estilo ang magkwento kapag hindi namin dokumentado.

Pero kung gusto ninyong mag-demanda, hindi namin kayo pipigilan, hinahamon pa namin kayo. Iharap ninyo sa amin ang abugado ninyo at haharapin namin kahit sino at gaano pa kagaling yan.

Wala sa bokabularyo namin ang magpasindak sa kahit na sino man, marami na kaming binangga na malalaking pangalan sa larangan ng politika at negosyo, ni isa sa kanila ay hindi kami napatiklop.

Tapos kayo na walang kumpiyansa sa sarili ninyong produkto, magsasalita kayo sa mismong tanggapan na idedemenda ninyo kami kapag ipinalabas namin ang bantot na itinatago ninyo sa publiko.

Hindi namin estilo ang sirain o siraan ang kahit na sino, pero kung kapakanan na ng taong bayan ang nakasalalay, hindi namin sasantohin ang kahit na sino.

Show comments