Si Napoleon Bonapoerte na isang anti-Christ, ay nagpahayag na ang isang anak anuman ang kanyang kahinatnan ay naka-depende sa pagpapalaki ng ina.
Sadyang natatangi ang isang ina. Maging sa mga hayop ay napatunayan din ang pagmamahal, pag-aaruga, pagmamalasakit at pagtatanggol sa anak. Malaking kawalan sa anak kung mawalay sa ina. Labis niyang daramdamin kung mamatay ang ina subalit may pagkakataong umaabuso at nagiging lapastangan sa ina ang anak.
Sa mga meron pang mga ina habang kapiling nyo sila ay ibuhos na ninyo ang lahat ng pagmamahal at pag-aasikaso sa kanila para naman kahit papaano ay makaganti kayo ng utang na loob sa kanila. Hindi pa huli para ipadama ang pagmamahal sa mga ina. Batiin natin sila ng Happy Mothers Day.