EPCIB shares ibinabagsak ang presyo
May 13, 2006 | 12:00am
MAY reaksyon sa isinulat nating kolum hinggil sa pinuna nating manipulasyon ng GSIS shares sa Equitable PCIBank noong Mayo 8 ang kampo ni GSIS president Winston Garcia. In the interest of fair play ganito ang tema ng kanilang "side of the issue."
Binawi ng kliyente ng law firm na Siguion Reyna, Montecillo, Onsiako ang alok nitong bilhin ang lahat ng Equitable PCIBank stocks ng Shoe Mart (SM) at Banco de Oro (BDO) sa halagang P95 bawat share. Kasi, inisnab lang ng SM/BDO ang mga alok ng kliyente na ipinabatid sa publiko at ng Philippine Stock Exchange (PSE) ni GSIS president Winston Garcia dalawang buwan na ang nakalilipas.
Pinabulaanan naman ng SM/BDO na inalok sila ng kliyente ng naturang law firm, palibhasay nabisto ang sarili nilang offer na bilhin ang lahat ng EPCIB shares ng GSIS sa halagang P95 din bawat share. Entonses, talagang P95 ang halaga ng bawat share ng EPCIB at hindi P56 tulad ng ipinipresyo ng Banco de Oro sa bawat EPCIB share sa ilalim ng panukalang BDO-EPCIB merger.
Tinatalakay natin ang paksang ito (with the intention of presenting various sides) porke apektado ang milyun-milyong kasapi ng SSS at GSIS. Anang kampo ni Garcia, may puwersang ibig ibagsak ang halaga ng puhunan na kung tutuusiy pag-aari ng mga kawani sa gobyerno at pribadong sektor. Kung ibebenta ang mga shares sa halagang P56 lang bawat isa, kawawa naman ang taumbayan.
Kung tumanggi man ang SM/BDO sa alok ng kliyente ng Siguion Reyna, itoy maliwanag na para bumaba ang presyo ng EPCIB shares nang sa gayoy mabili ng murang-mura.
Si Garcia ang nagbisto sa lihim na pamimili ng BDO ng EPCIB shares sa mataas na halaga habang ang por-mal na ipinahahayag sa publiko ay ang "merger scheme" na sa totoo lang ay epektibong lulusaw sa sosyo ng mga SSS at GSIS members sa EPCIB.
(Email me at [email protected])

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended