Para sa kaalaman ni Lomibao, itong nagdaang mga araw, naglatag na ng makina si Oye Santos sa kaharian ni Mayor Canuto Oreta sa Malabon. Umaabot sa 200 makina ang inilatag ni Oye Santos kaya masaya na naman sa ngayon itong sina Oreta at Chief Supt. Leopoldo Bataoil, ang hepe ng NPD. Paayaw-ayaw pa si Bataoil eh bubukas din pala ng palad sa bandang huli, di ba mga suki? Pero tiyak, ibaling na lang sa malayo ni Lomibao ang paningin niya kung video karera ni Oye Santos ang pag-uusapan dahil naging spokesman niya si Bataoil. Kung malambot nga si Lomibao sa ibang hepe ng pulisya, dito pa kaya kay Bataoil na nanilbihan sa kanya? Kaya palaging nakangiti sa ngayon si Bataoil dahil sa salaping iniakyat sa kanya ng video karera ni Oye Santos.
Hindi lang si Oye Santos ang nagbukas sa Metro Manila kundi maging ang mga pulis na sina Renel Bernardo, Gerry Peralta at Malang brothers sa lugar ni QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan. Itong away-away pa ng mga video karera operators ang isa sa mga anggulong tinitingnan sa pagpatay kay Insp. Danny Sarmiento ng CIDG noong nakaraang Sabado. Malalim ang pag-ambush kay Sarmiento at marami akong nakausap sa MPD na ang video karera na sakop ni Radovan ang itinuturong dahilan. Maging si Junjun na alipores ni Manila video karera king na si Randy Sy ay naglatag na rin sa Parañaque City at Las Piñas City. Sa kaharian naman ni Mayor Totoy Castro sa Balagtas, Bulacan, naglatag na rin si Boboy Go nang mahigit 100 makina. Maliban kay Castro, nakikinabang na rin ang hepe ng pulisya na si Chef Insp. Emma Libunao. Itong si Eric Sil
verio ay may VK din sa Balagtas. Kaya kapag tinupad ni Lomibao ang banta niya na one-strike policy, tiyak walang matitira sa kapulisan natin dahil pasok silang lahat sa jueteng at video karera. Anong say mo Gen. Lomibao, Sir? Abangan!