^

PSN Opinyon

Sino ang mag-aayos sa NPC?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAKAKAHIYA ang nangyari sa National Press Club election noong Sunday, pinagtatawanan tuloy ito ng mga taga-labas.

Noong Sunday lang nagulo ang eleksiyon sa Press Club sa loob ng 53 years nitong pagkakatatag.

Hindi malaman ng mga botante kung saan sila boboto dahil dalawang lugar ang pinagdausan ng eleksiyon sa ibaba at itaas ng Press Club building.

Partido ng Press Freedom Party at Reform Party ang naglaban. Ang nakakatuwa lamang todits, walang natalong kandidato sa dalawang pangkat dahil panalo lahat.

Ang problema ngayon ng mga miyembro ng NPC, dalawa ang President, dalawa ang vice president, dalawa ang treasurer, dalawa ang secretary at 20 ang blackboard, este mali, Board of Directors pala.

Sabi nga, ano ba ito?

Walang naging bandido sa mga kandidato, lahat sila bida sa miyembro pero ang matindi, ang mga batuhan ng baho sa isa’t isang kandidato. Kung anu-ano ang mga akusasyon na hindi makakain ng kahit sinong baboy.

May kurap, may smuggler, may drug lord, may istapador, may tirador, may mukhang pera, etcetera. Kung hindi taga-press club ang makakarinig nito, tiyak mawawalan sila ng gana sa media.

Matindi ang politics sa NPC, ang pinagtatakhan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay kung anong milagro meron dito. Napabayaan kasi ito ng dating panggulo, este mali, pangulo pala, may kinampihan kasi toits kaya hindi matanggap ng ilang official ng Press Club ang sitwasyon.

Isang grupo lang daw ang pinaniwalaan at ang kalabang grupo ay parang ibinaon sa basurahan. Sabi nga, mga hao-shiao daw sila!

"Hindi ba ipinahihinto ng court ang election sa NPC?" tanong ng kuwagong haliparot.

"Oo nga pero binalewala nila ang order," sagot ng kuwagong Kotong cop.

"Paano kaya maayos ang gusot sa NPC?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Palagay ko, dapat mag-election ulit pero bago gawin ito, linisin ang listing ng mga members," sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Sa palagay mo ok ito?"

"D’yan kamote hindi ako mapalagay!"

vuukle comment

BOARD OF DIRECTORS

CRAME

NATIONAL PRESS CLUB

NOONG SUNDAY

PRESS CLUB

PRESS FREEDOM PARTY

REFORM PARTY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with