^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kawawang Pinoy sa Canada

-
MAY diskriminasyon din pala sa Canada. Akala kasi ng iba ay wala. Nakatanim na kasi sa isipan ng mga Pinoy na isang napakagandang bansa ang Canada kaya paboritong hantungan ng mga Pinoy. Kung hindi US, Canada ang tinutungo ng mga Pinoy doctors, nurses, teachers, engineers at iba pang propesyunal. Maganda nga raw talaga roon. Ang lahat ng hinahangad na kaginhawahan sa buhay na hindi kayang ibigay ng gobyerno sa Pilipinas ay matatagpuan doon. Magaan ang pamumuhay ng mga Pinoy sapagkat malaki ang kanilang suweldo roon na hindi kagaya ng kinikitang kakarampot sa Pilipinas.

Pero ano itong sinapit ng isang batang Pinoy sa kamay ng kanyang teacher na nagpakita ng grabeng racial discrimination? Grabe sapagkat ultimong pamamaraan ng pagkain ng bata ay pinakialaman at tinawag na "baboy kung kumain". Hindi raw ganoon ang tamang pagkain ng mga Canadians.

Grabeng kahihiyan at naging kaawa-awa ang pitong taong gulang na batang lalaki na 10 beses pinarusahan ng kanyang teacher na lalaki. Ang kasalanan ng bata, kumain ito ng lunch na ang gamit ay kutsara’t tinidor. Masyado raw "baboy" kung kumain ang bata. Dahil sa pagiging "baboy kung kumain", 10 beses pinarusahan ang bata. Inilayo siya sa ibang estudyante kumakain ng lunch. Habang kumakain nang nag-iisa sa mesa ay pinagtitinginan umano ang bata ng mga kapwa batang kaklase.

Hindi direktang nagsumbong ang bata sa kanyang ina tungkol sa pangyayari. Basta isang umaga habang nasa mesa para mag-breakfast ay sinabi ng bata na ayaw na niyang kumain. At nagtaka ang ina kung bakit ayaw na nitong kumain. Sinabi ng bata ang dahilan.

Tinawagan ng ina ang teacher subalit sa halip ang principal ng school ang nagsalita. Sabi ng principal, "Madame you are in Canada. Here in Canada, you should eat the way the Canadians eat." Kapag hindi raw sumunod ang anak niya sa kautusan, palilipatin siya ng mesang kainan.

Ang diskriminasyong iyon ay nakapagpainit ng damdamin sa Pinoy-Canadians. Binatikos nila ang grabeng pagtrato sa bata. Hindi muna inalam ng teacher na kaya gumagamit ng tinidor ay upang itulak ang pagkain sa kutsara at wala nang iba pa. Ganoon pala ang tingin ng Canadian teacher sa bata, na masyadong baboy kapag gumamit ng kutsara’t tinidor.

E di mas lalo na siyang nagulantang kapag nakitang nagkakamay ang mga Pinoy. Baka hindi lamang baboy ang itawag. Kawawang Pinoy talaga pagkain ay binibira ng Puti.

BATA

BINATIKOS

DAHIL

GANOON

KAWAWANG PINOY

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with