^

PSN Opinyon

Kapalpakan ng pre-need companies

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PANAHON na para tulungan ng government ang mga parents na biktima ng kapalpakan ng pre-need companies. Sabi nga, niloko nila ang mga parents for the future ng kanilang mga children.

Inirereklamo ng mga parents ang CAP, Platinum Plans, Capitol at TPG para ibalik ang perang ipinambayad nila para sa pag-aaral ng kanilang mga children. Ika nga, naloko sila.

Matagal na palang asking nila sa mga pre-need companies ang atik na ibinayad nila para pambayad sa skul ng kanilang mga anak pero up to now, alaws pang linaw ang hinihingi nila sa mga companies.

Kaya naman bumuo ng grupo ang mga parents na niloko upang mag-rally at mag-file ng demanda para mabawi ang kanilang atik. Ano kaya ang dahilan bakit ayaw ibalik ang atik ng mga ito? Bagsak na ba ang pre-need companies? Paano ang pangakong napako?

Hindi biro ang atik na inipon at hinulugan ng mga parents para sa kanilang mga children na papasok sa mga private schools. Halos mamatay sa gutom at magkasakit ang mga parents para lamang may panghulog sila sa mga pre-need companies na kanilang pinili para sa future ng mga anak nila sa kolehiyo. Parang highway robbery ang nangyari. Totoo kaya?

May mga kapamilya ang mga kuwago ng ORA MISMO na biktima rin ng pre-need company, nakakaawa kung makikita ninyo sila. Ika nga, iyak dito, iyak doon ang ginawa.

Parang utang na loob pa nila ang pagbawi ng atik sa pre-need company na hinulugan nila para sa kanilang anak.

"Dapat ibalik ang pitsa sa magulang," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Sinira nila ang kanilang obligation sa mga ito," nagwawalang sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Ano ang dapat gawin?"

"Ibalik ang hindi sa kanila at bayaran din ng interes ang atik na nakuha sa mga victims."

"Tumpak ka diyan, kamote!"

ANO

ATIK

BAGSAK

IKA

KANILANG

NILA

PARA

PLATINUM PLANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with