May napabalitang may oil reserve sa Pilipinas subalit hindi sigurado kung ito ay may katotohanan. Sa ngayon, walang basehan na sabihing mayroong pagkukunan ng langis ang Pilipinas. Mas malamang na sabihing nakadepende ang Pilipinas sa supply ng langis sa Middle East.
Nakapagtataka kung bakit bumibili pa ng langis sa Middle East at sa ibang bansa ang US samantalang mayroon palang sariling langis ito. Wise talaga ang US. Mas magaling para sa kanila ang bumili sa labas kaysa gamitin ang sariling supply. Nire-reserve nila sa kinabukasan ang kanilang langis kapag nagkaubusan na.
Sinasabi ng mga political at economic analysts na kaya pilit na kinukuha ng US ang Iraq ay dahil sa langis. Ganyan kagaling ang isip ng mga Kano.
Pinag-iisipan pa rin ng mga Kano kung papaano sila makapagtitipid sa paggamit ng gasolina. Mayroon silang ipalalabas na mga programa upang harapin ang problemang pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pa.