^

PSN Opinyon

Pagkakaisa at pagtitipid ayon kay Monkey Queen

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
Patindi ng patindi ang iringan ng bansang Estados Unidos at Iraq samantalang tumitindi naman ang kaguluhan sa Nigeria at nagaganap na rin ang mga suicide mission ng mga terorista sa Egypt kaya grabe ang spekulasyon pagdating sa presyo ng produktong petrolyo lalo na sa bansang PIDAListan.

Halos araw araw na ay nagtataas ng presyo ang mga kumpanya ng produktong petrolyo dahil nalulugi raw sila pero pagka-deklara nila ng kanilang dividendo sa mga stockholders ay bilyong dolyar ang kinita nila. Inuulit natin, hindi po milyon at hindi po piso kung hindi BILYONG dolyar ang kinita nila.

Ganunpaman, walang magawa ang mga opisyal ng PIDAListan na pinamumunuan ng kilalang kilalang si Monkey Queen dahil raw sa oil deregulation law na pinalusot raw ni tobacco eating Monkey nuong kapanahunan niya.

Ayaw rin naman nila ang panukala ng ilang mga lider ng sangkatauhan na alisin muna nila ang ina-arvat nilang 12% sa produktong petrolyo na nuon pa tinututulan ng karamihan.

Makakasama raw ito sa ekonomiya ng PIDAListan dahil maguguluhan raw ang mga international financial institutions na nagpautang at magpapautang pa sa kanila dahil malilito kung saan kukunin ang pambayad sa utang hindi lang ng mga PIDAListani kung hindi mga anak, apo at kaapo-apuhan nila.

Komo pataas ng pataas ang presyo ng gasolina ay wala ng magawa ang magsasaka, mangingisda, mga nag-aalaga ng baboy, manok at baka at nagtaas na rin ng presyo ng kanilang mga tinitinda.

Ang mga nagtitinda naman sa mga sari-sari store ay napilitan na ring itaas ang presyo ng asukal, bigas, gatas, mantika at iba pa dahil mas mataas na ang bayad sa mga truck na tumatakbo sa gasolinang araw araw ay tumataas rin ang presyo kada litro.

Ang mga pampasaherong sasakyan naman ay humihingi rin na payagan silang magtaas ng kanilang pamasahe dahil sa laki ng kanilang gastos pero mukhang wala silang magagawa dahil hindi naman sila malalaking kumpanya ng langis na kayang magbayad ng mamahaling mga gintong saging na ireregalo kay Monkey Queen o mga imported na saging na nakalagay sa diamond studded boxes na binibili pa sa ibang bansa.

Ang mga manggagawa naman na matagal ng nabubuhay sa suweldong animo’y limos sa kanila ay humihingi ng taas sahod na ayaw rin naman payagan ni Monkey Queen dahil tutol dito ang kanyang mga kaibigan at taga suportang mga negosyante sa pamumuno ni Donald Duckdy.

Lalo tuloy tumindi ang mga rally at lalong sumidhi ang panawagang bumaba na si Monkey Queen kaya isang emergency meeting ang kaniyang pinatawag kung saan dumalo ang lahat ng kanyang mga alipores, kakampi, kaalyado, kakutsaba, kapartido, kapuso, kamag-anak, kapamilya, sipsip at mga linta.

Pinagusapan nila ang mga problema nila at nagkaroon pa sila ng group workshop kung saan naggrupo grupo pa sila upang magkaroon ng solusyon at ipakita sa mga PIDAListani na nagkakaisa sila o sa madaling salita ay UNITED sila.

May grupo na pinamumunuan ni Boylet Mickey, merong headed by Jose Layag Catlooking Monkey at kasali rin ang grupo ni Sir Raulo of Justice for him and him alone.

Masaya ang kanilang workshop at ginanap pa nila ito sa kani-kanilang mga paboritong mga five star hotels, beach resorts at country club hindi lang sa PIDAListan kung hindi sa HongKong, United States, China, Japan, Singapore o iba pang lugar kung saan malinaw ang kanilang kaisipan habang gumagastos naman sila ng pera ng bayan.

Mahaba ang kanilang usapan sa pagitan ng pagnguya ng mamahaling mga pagkain lalo na mga gintong saging at alak na imported na patuloy namang binibili ng budget department at arvat collection agency.

Inabot rin sila ng tatlong araw sa kanilang mga pinag-meetingang lugar kung saan nagbakasyon na rin sila kasama ang kanilang mga pamilya, kulasisi, sekretarya at kung anu-ano pa.

Kailangan nga naman nilang isulit ang pagtungo nila ruon kaya sagad talaga ang gastos upang ipakita sa buong mundo na mayayaman at mga galante ang mga PIDAListani officials.

Tuwang tuwang bumalik sa palasyo ng Monkey Queen ang mga pinuno ng iba’t ibang group at laking gulat nila dahil iisa ang kanilang payo at iyan ang napakagandang ideya na kailangan ng sambayanan ng PIDAListan na magkaisa.

Kailangan ng NATIONAL UNITY, teamwork, tulung tulong upang malusutan ang bigat ng problemang kinahaharap ng buong mundo dahil sa presyo ng produktong petrolyo.

Tinanggap ni Monkey Queen ang payo at agad na pinagutos ang kahilingan na magkaisa sa sambayanan. Lahat raw ng tipid ay kailangan at paghihigpit ng sinturon, ito ang apila ni Monkey Queen sa live television, radio at print media na nagcover sa kanyang PALASYONG pinatay rin ang karamihan sa ilaw sa labas.

Pagkatapos ng press conference, pasok naman ang First Gorilya na kasunod ni LUCIOfer na golf mate niya na may bitbit na malaking itim na bag.

Pinaghintay ang mga lider at binuksan ni Monkey Queen ang bag na puno pala ng mga ginto sabay personal na pinamahagi ang mga laman nito.

"One for BOYLET Mikey, one for Donald Duckdy, one for Catlooking Monkey, one for Sir Raulo and FOUR for me. One for Pechay eating friend, one for TREE loving secretary, one for Gen. Shunga, one for Director General Lumabo and FOUR for me."

Happy ang lahat, kahit paano ay meron silang gold pero mukhang nakalimutan si JUAN dela Cruz ang hardinero na nagtanong bigla: "ako ho ba wala?" "Ah nandyan ka pala, huwag na kaya mo naman magtiis, tandaan mo kailangan nating magtiis, magtipid," sagot ni Monkey Queen.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

vuukle comment

DAHIL

KANILANG

KUNG

MONKEY

MONKEY QUEEN

NAMAN

NILA

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with