^

PSN Opinyon

Magkumpareng-buo magkalaban na ngayon?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAGKUMPARENG-buo itong gambling lord na si Val Adriano at si SPO2 Arnold Sandoval, ang kolektor ng intelihensiya ng NCRPO. May pagkakataon pa noon na ipinagyayabang ni Adriano na magtayo ng grupo ng mga may pa-bookies na kung tawagin ay Ampy, sa tulong na rin ni Sandoval, na kolektor rin ng iba pang unit ng PNP natin, Gets mo, Gen. Lomibao, Sir? Subalit ang lahat ng kasaganaan sa relasyon nina Adriano at Sandoval ay nahinto nitong nagdaang mga araw nang hulihin ng huli ang kumpare niya. Hindi nilutangan ni Adriano si Sandoval na ang ginamit na operating unit ay ang RSAU. At nang tawagan siya ng bata ng kumpare niya, ang sagot ni Adriano ay papunta siya sa akin para ireklamo itong pagmamalabis sa kanya ni Sandoval nga. At ’yon nga malaking pagkakamali ni Adriano.

Hindi naman sinadya na may nagbulong sa akin ukol sa operation ng Ampy ni Adriano at nabanatan natin ng ilang araw. Siyempre, kasama sa upak natin si Sandoval at kasama niyang kolektor ng NCRPO na si Noel de Castro. Malakas ang paniwala ni Sandoval at mga kasangga niya sa NCRPO na si Adriano ang nagpatira sa kanya. Kaya’t mula noon, kaliwa’t kanang raid ang inabot ni Adriano sa tropa ni Sandoval. Hilong talinong si Adriano. Ang dating Ampy ay nabuwag at ang mga naka-umbrella kay Adriano ay nagkanya-kanya na. Si Sandoval? Siyempre, tuloy ang ligaya niya dahil nag-ooperate pa rin ang bookies ng karera niya na matatagpuan sa kanto ng Limay at Bagac Sts. sa Tondo at Sulu at Blumentritt Sts. sa Sta. Cruz. Si Adriano? Imbes na lider siya ng Ampy, aba siya na sa ngayon ang naka-umbrella sa pumallit sa kanya na si Lito de Guzman ng Sampaloc, na may financier na isang Intsik na si alyas Sammy. He-he-he! Babalikan natin si De Guzman sa susunod na mga araw mga suki.

Si Sandoval naman at si De Castro ay hindi natinag sa illegal nilang gawain. Nagmalaki pa si Sandoval na sinabihan siya ng kanyang amo na ituloy lang ang kanilang pagkalap ng lingguhang intelihensiya. Hindi lang ’yan. Gusto pa ng amo ni Sandoval na ‘‘lakihan’’ ng tropa nila ang tinatang-gap niya. Sino kaya ang tinutukoy ni Sandoval na amo? Si Sr. Supt. Villanueva kaya na RSAU chief o si NCRPO chief Dir. Vidal Querol? Aba ayaw ni Gen. Querol ng ganyan. Dapat ipahuli ni Querol si Sandoval at de Castro para malinis niya ang pangalan niya. Kung hindi siya kikilos, magkakatotoo ang pagyayabang ni Sandoval at mga tro- pa niya na may basbas sila ni Querol.

At dahil patuloy ang panghaharabas nitong grupo ni Sandoval, maraming gambling lords sa Metro Manila ang nananalangin na dumating na sa NCRPO si Dir. Jess Versoza, ang hepe sa ngayon ng CIDG. Kalmante kasi ang mga gambling lords bunga sa pagsupil ni Versoza sa illegal rin na gawain ng kaibigan kong si SPO1 Bayani Neri. Medyo lumambot si Neri bunga sa pressure ni Versoza, anila. Kaya kapag si Versoza na ang hepe ng NCRPO, tinitiyak ng mga gambling lords na hahabulin nito ang grupo ni Sandoval. Ibig sabihin, hindi kunsintidor si Versoza, di ba mga suki? Kungsabagay, ilang tulog na lang at darating na rin ang delubyo sa buhay ng tropa ni Sandoval. Abangan!

vuukle comment

ADRIANO

AMPY

ARNOLD SANDOVAL

BAGAC STS

NIYA

QUEROL

SANDOVAL

SI SANDOVAL

VERSOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with