^

PSN Opinyon

Ang UTI at vaginitis

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG UTI ay urinary track infection na common sa mga babae na ang tubo ng labasan ng ihi ay maiksi. Ito’y dumadapo sa mga kababaihang umeedad 18 pataas na nagkaroon na ng sexual activity at mga babaing nagbubuntis. Nagkakaroon din ng UTI ang mga babaing madalas magpigil ng ihi. Dahil sa pagpipigil ay nagkakaroon ng high concentration na pinamamahayan ng bakterya. Makakaranas din na parang binabalisawsaw. Meron ding tinatawag na feeling of urgency at ito iyong gustong-gusto pero hindi naman maihi. Kapag ang mga nabanggit ay maranasan n’yo, agad kayong kumunsulta sa isang urologist. Ugaliing uminom ng walong basong tubig araw-araw.
* * *
Ano ang pinagmumulan ng vaginitis o ang impeksiyon sa kanyang ari? Ayon sa kilalang obstetrician-gynecologist na si Dr. Concordia M. Pascual, dapat na maging maingat ang mga kababaihan sa kanilang vaginal discharge. Ang mga sintomas ng vaginitis ay ang pangangati ng kanilang puwerta, nakakaranas ng irritation at napakasakit sa tuwing sila’y nakikipagtalik at hirap din sa pag-ihi. Ayon kay Dr. Pascual, kapag napuna ang mga nabanggit na vaginal discharge, agad na kumunsulta sa doktor.

vuukle comment

ANO

AYON

DAHIL

DR. CONCORDIA M

DR. PASCUAL

KAPAG

MAKAKARANAS

MERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with