Wala nang death sentence, life imprisonment na lang!
April 20, 2006 | 12:00am
ALALANG-ALALA ang kanyang Kamahalaang Monkey Queen dahil lalong tumitindi ang panawagan na lumayas na siya sa bayan ng PIDAListan. Lahat na ng pakulo at diversionary tactic ay nagawa na nila pero sadyang bumabalik ang mga isyung pagnanakaw, pagsisinungaling at pagnanakaw nila.
Ibat ibang uri na rin ng terror tactic o pananakot ang kanilang ginagamit gaya ng walang habas na pamamalo sa sinumang mag-iipun-ipon sa kalye, pagpapakulong sa grupong naglalakad na iisa ang disenyo ng damit at bansagang destabilizers at terorista ang sinumang naglalakas loob na ibulgar ang kanilang kawalanghiyaan.
Walang epekto ang mga paraan nila bagkus lalo lang tumataas ang bilang ng mga lumalaban at hindi kumporme sa ginagawa nilang kaDEMONYOHAN.
Kung dati ay tatlo sa limang mamamayan na PIDAListan ang nais na sipain siya, ngayon ay apat sa bawat limang taong nasasakupan. Dagdag pa sa problema nila ay ang pagtaas ng bilang ng taong nagsasabi na dapat siyang patalsikin kahit sa marahas na paraan.
Dati kasi ay iisa lang sa bawat limang tao o 20% ang pumapayag na patalsikin siya sa pamamagitan ng marahas na paraan halimbawa ay kudeta at Peoples Power pero nitong nakaraang ilang mga buwan ay mahigit doble na ang tinaas base sa mga survey na ginawa sa Kaharian ng PIDAListan.
Mayorya na rin ng mga mamamayan ng PIDAListan ay hindi papayag na hindi pagbayaran ni MONKEY QUEEN ang kanyang mga kasalanan. Karamihan sa kanila ay nais na makulong siya at ang kanyang mga kamag-anak, kakampi, kakutsaba, kasabwat, katsokaran, kasosyo, kapartido at mga sipsip at alipores.
Lubos na nababahala ang Kampon ni Monkey Queen sa resulta ng mga naturang survey at nadagdagan pa ang suliranin ng pati pahayagan sa ibang bansa ay sumasang-ayon sa binubulgar ng media sa PIDAListan.
Kumuha sila ng mga matitinding consultant mula sa ibang bansa gaya ng Vayaran Dayaan Lokohan Inc., Cheats Inc. at Liars.com upang maayos ang imahe ni Monkey Queen kahit na ang statement ng kanyang tagapagsalita na si Bolero Bunyeta ay hindi raw nila iniinda ang patuloy na pagbulusok ng kanilang ratings.
Bukod sa mga consultants ay nag-appoint na rin ng permanenteng psy war expert na opisyal na tinatawag na gma - e o general mind alterations expert sa katauhan ng Kumpare niyang si Lucifer Santaning. Binigyan ito hindi lang ng cabinet rank kung hindi super cabinet rank pa.
Sa pamumuno ng Kumpareng Lucifer niya kasama ng mga consultants at mga bayarang mga kawal sa pamumuno ni Heneral Shunga at ng Chain of Collector Police Chief Director General Lumabo ay agad nilang pinatupad ang ibat ibang strategic and tactical operations.
Layunin ng kanilang special operations na baguhin ang kaisipan ng nasasakupan ng PIDAListan sa anumang paraan upang ipakita sa buong mundo na mahal na mahal ng mga tao sa naturang bayan si Monkey Queen.
Pagkaraan ng ilang matinding maniobra nila, mula sa pinakabulok hanggang sa pinakamadayang sistema, ay muli nilang inabangan ang survey na sila pa ang nagpagawa. Para pa malaman kung nagkakaroon ba ng epekto ang ginagawa ni Pareng Lucifer niya, si Monkey Queen at ang kanyang asawang si First Gorilla pa ang personal na nakipag-usap sa gumagawa ng survey.
Pumayag sila na walang dayaan sa kondisyong hindi puwedeng isapubliko ang resulta ng survey kung hindi aangat ang ratings ng kanyang Kamahalang Monkey Queen.
Minadali nila ito at tinapat pa sa HOLIDAY WEEK kung saan mahaba ang bakasyon ng mga taga PIDAListan dahil mas malamig daw ang ulo at mas relax ang mga respondents na tatanungin sa panahong iyon.
Relax mode na sila, buong akala nila okay na lahat pero pagkaraan ng kanilang masayang masayang bakasyon ay laking gulat nila ng binigyan sila ng briefing sa resulta ng pribadong survey nila. Ayon sa resulta, hindi lang patuloy na nawawala ang tiwala ng tao kay Monkey Queen, tumitindi pa ang galit sa kanya ng kanyang mga nasasakupan. Totally walang epekto ang secret at special operations nila. Hindi tumalab.
Matindi nito, lalong tumaas ang bilang ng taong nagsasabing galit, poot at ngitngit na ang tanging nararamdaman nila para kay Monkey Queen. Pero masakit nito, lumalabas pa sa survey na hindi papayag ang sangkatauhan na lumayas lang sila dala-dala ng kanilang ninakaw at mag-enjoy sa ibang bansa kung saan marami na silang nabiling Palasyo ng Puno nang Puno at Gintong mga Saging.
Sa mga nagsasabing dapat siyang palayasin, patalsikin o sipain, 99% ang nais ay maparusahan si Monkey Queen at si First Gorilla, mga kakampi, kasangga, kapartido, kamag-anak, kapuso, kasabwat, katsokaran, kamahjongan, sipsip, linta, alipores at tuta.
At ang parusang nais ay KAMATAYAN o death sentence gaya ng lethal injection, silya elektrika o firing squad. Nabahala lahat sa kanyang palasyo, pero hindi si Monkey Queen. Ngiti lang ang namutawi sa kanyang labi sabay patawag ng press conference upang gumawa ng major announcement.
Kinabukasan, headline sa mga pahayagan: "WALA NANG SENTENCE, LIFE IMPRISONMENT NA LANG at may parole pa."
Para sa anumang reaksyon o kumento, e mail sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended