^

PSN Opinyon

‘Lover ni Inay, rapist ko…’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ISANG ginang ang nagrereklamo hinggil sa umano’y pananamantala sa kanyang anak ng dati nitong karelasyon ang kasong tampok sa araw na ito.

Nagsadya sa aming tanggapan si Ester Mendoza ng Makati City upang humingi ng tulong hinggil sa kasong ng anak nitong di umano’y ginahasa. Itago na lamang natin sa pangalang Sheila ang biktima, 14 na taong gulang.

Hanggang Grade V lamang ang natapos ng biktima. Hindi na nito pinagpatuloy pa ang kanyang pag-aaral kaya habang nagtatrabaho ang kanyang ina sa isang garment factory siya na lamang ang pinagkakatiwalaan nitong tumingin sa kanyang mga kapatid.

Ika-17 ng Enero 2006 bandang alas-12 ng tanghali habang nag-iigib umano ng tubig ang biktima sa labas ng bahay nito lumapit sa kanya sina Jomar at Jojo. Sinabihan si Sheila na pinapatawag siya ni Rodolfo Banzon alyas Bondying. Si Bondying ang umano’y responsable sa panggagahasa sa biktima.

"Kapitbahay lamang namin sina Bondying. Matagal ko na siyang kilala at ang pamilya nito. Sa katunayan nito ay nagkaroon din kami ng relasyon," kuwento ni Ester.


Labis ang pagtitiwala umano ni Ester kay Bondying. Maayos ang kanilang relasyon sa isa’t isa subalit hindi nito akalain na gagawan nito ng hindi maganda ang kanyang anak.

"Aminado akong hindi ko gaanong nasusubaybayan ang mga anak ko dahil sa gabi na ako umuuwi pero malapit lang naman ‘yon sa aming bahay kaya anumang oras ay maaari akong umuwi upang tingnan ang kalagayan ng mga anak ko," sabi ni Ester.


Hindi umano ikinababahala ni Ester ang pag-iwan sa kanyang mga anak. Natitiyak umano niyang maayos naman ang mga ito dahil inihahabilin niya sa kanyang ina ito, si Anacleta Usona.

Samantala nang ipinatawag umano ni Bondying si Sheila sa mga kasama nito, agad naman siyang sumunod. Dinala umano nina Jomar at Jojo ang biktima sa bahay ng suspek at idiniretso sa kuwarto nito. Isinara umano ang pinto pagkatapos ay hinawakan umano sa kamay si Sheila nina Jomar at Jojo.

"Habang nakatayo daw ang anak ko ay hinubaran siya ng damit nitong si Bondying. Pagkatapos daw ay hinawakan nina Jomar at Jojo sa maseselang bahagi ng katawan nito. Pagkatapos daw noon ay dinala na siya sa kama at doon pinagsamantalahan ni Bondying," salaysay ni Ester.


Labag man sa kalooban ng biktima ay wala rin umanong magawa ito upang manlaban. Nagmamakaawa umano ang biktima na huwag siyang pagsamantalahan subalit patuloy pa rin ang suspek sa kanyang ginagawa. Matapos ang panggagahasa sa biktima, pinagbihis umano ng suspek ito at saka pinauwi sa kanilang bahay. Pinagbantaan umano ang biktima na huwag magsusumbong kahit kanino kung ayaw nitong masaktan.

"Hindi naman siya nakapagsumbong sa akin dahil tinatakot daw siya ng suspek. Nalaman ko lang ang lahat ng ito dahil sa nanay ko, si Anacleta. Narinig ng nanay ko na nag-uusap noon ang anak kong si Angelito Jr at ang pinsan nitong si Macmac. Nang marinig daw niyang ikinukuwento nito ang nangyari sa kanyang kapatid ay pinaalis ng nanay ko si Macmac at saka inusisa ang ikinukuwento nito," pahayag ni Ester.


Ayon kay Ester, nasaksihan ng kanyang anak ang ginawang pagsamantala ng suspek sa biktima. Nakita umano ni Angelito Jr. kung paano ginahasa ang kanyang kapatid. Pagkatapos magkuwento ay agad namang ipinaalam ni Anacleta sa kanyang anak na si Ester ang nangyari kay Shiela.

"Tinanong ng nanay ko si Sheila kung totoo ang kinuwento ng kapatid niya tungkol sa ginawa ni Bondying. Nagtapat naman siya noon at pagkatapos ay nagpunta na sila sa himpilan ng pulisya upang magreklamo," sabi ni Ester.


Samantala hindi lamang pala isang beses pinagsamantalahan ang biktima. Sa salaysay nito, may kung ilang beses umanong siyang ginahasa ni Bondying. Unang beses ay naganap noong ika-14 ng Nobyembre 2005 sa bahay pa rin umano ng suspek nangyari ang panggagahasa. Tatlong beses sa bahay ng suspek at isang beses sa bahay ng biktima.

"Nagpunta daw sa bahay namin ang suspek at hinahanap daw ako. May ipatatahi raw ito sa akin pero sinabihan daw siya ni Sheila na wala ako. Tiningnan muna raw nito kung may tao sa paligid. Pagkatapos isinara ang biktima ng bahay namin at saka ginahasa ang anak ko," sabi ni Ester.


Nang pumasok umano ang nakakabatang kapatid ni Sheila, si Glen saka pa lamang nagbihis ang suspek. Bago pa tuluyang lisanin ang bahay ay tinutukan umano nito ng kutsilyo si Glen at nagbanta at sinabing ‘Papatayin ko kayo isa-isa.’ dahil dito, hindi nagawang magsumbong ng biktima sa takot na baka gawin nito ang banta ng suspek. Minabuti umano ni Sheila na itago na lamang ang pang-aabuso sa kanya na itinuring pa man din niyang ikalawang anak subalit ganoon pa ang gagawin sa kanya.

Sa pamamagitan ng kanyang Lola Anacleta saka pa lamang umano natapos ang paghihirap ni Sheila sa kamay ni Bondying.

"Nagsampa na kami ng kaso laban sa suspek. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa anak ko. Siya na nga ang may kasalanan sa amin siya pa ang malakas ang loob na away-awayin ako. Lumipat na rin kami ng bahay pero sa kabilang kalye lang upang makaiwas sa kanya. Pero tuloy pa rin ang laban ng kasong ito," pahayag ni Ester.


Hangad ni Ester na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang anak. Umaasa siyang pagbabayaran ng suspek ang ginawa nito.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong mag-text sa 09213263166 o 09209672854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
* * *
E-mail address: [email protected]

vuukle comment

ANAK

BAHAY

BIKTIMA

BONDYING

ESTER

KANYANG

NITO

SUSPEK

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with