Oo nga, Cha-cha pagdebatehan na
April 11, 2006 | 12:00am
NAGHIHIMOK ang mga manggagawa, maralitang taga-lunsod, mag-aaral at kabataan ng serye ng debate tungkol sa Charter change. Inis sila marahil sa paratang ng ilang pulitiko na pumirma ang marami sa kanila sa Peoples Initiative miski hindi naiintindihan ang mga isyu. At marami sa kanila ang nais ding matutunan ang mga pangakong reporma sa Charter change, at ang mga pangamba ng mga kontra rito.
Oo nga naman, pagdebatehan na ang buod ng Charter change: ang pagbago mula presidential tungo sa parliamentary form ng gobyerno, ang pagpapaganap ng autonomy mula centralized tungo sa federal structure, at ang paghikayat ng dayuhang puhunan.
Nito kasing mga nakaraang linggo, mga pamamaraan lang, at hindi pakay ng Charter change ang laman ng balita. Puro bilangan ng ilong sa Kongreso para sa constituent assembly, o pagpirma sa Peoples Initiative. Meron ding nagsasabing hindi napapanahon ang Charter change. Pero puro yabangan at insultuhan lang ang ginagawa ng magkabilang panig. Kesyo kaya raw makahila ng 195 kongresistat senador para sa constituent assembly, pero kesyo babarahin naman ito ng Oposisyon nang 50 aayaw. Kesyo aabot daw sa 10-15 milyon ng 40-milyong botante ang pipirma sa Peoples Initiative, pero kesyo bayaran lang ang mga pumirma. Hindi naman natupad ang mga bilang, o napatunayan ang mga paratang.
Kung pagdebatehan ang mga isyu, mas maaanalisa ng publiko kung mabuti o masama sa buhay nila ang Charter change. Makakapili sila kung susuporta o tutuligsa.
Sana mag-sponsor ang malalaking TV networks ng debate. Sana magdaos din ang mga universities ng campus debates. Sa debate, bawal ang insultuhang personal at paratang na walang katibayan. Mas lumilinaw ang mga isyu imbes na nauuwi sa animoy frat rumble. Tumatalino ang madla na nagiging batayan ng matatag na demokrasya. Kung tutuusin, noon pa nga dapat nagsimula ang debate tungkol sa pakay ng Charter change. Tsaka na ang pamamaraan, kung mapasyang kailangan ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest