P5-M blackmail?
April 10, 2006 | 12:00am
MAYROONG isang real estate broker na nakumbinsi umano kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na siyasatin ang aniyay illegal land conversion activity sa Pampanga. Batay sa mga nakalap kong impormasyon na masusi kong sinuri, tila salat sa katotohanan ang isiniwalat niya sa Kongresista. May disgustong broker si Hipolito sa isang real estate development sa Mexico, Pampanga. Ito ang Lakeshore Subdivision. Sa tingin ko lang, lihis sa katuwiran si Hipolito. Dapat masusing pag-isipan ni Cayetano ang mga sumbong nito at baka, (baka lang) magamit ang Kongresista sa personal na interes.
Si Hipolito ay unang nagsagawa ng serye ng pag-atake laban sa Central Country Estate, Inc. (CCEI) sa media. Aniya, patung-patong ang kaso ng CCEI sa ilegal na land conversion. Nauna rito, si Hipolito ang broker sa joint-venture ng CCEI at Sta. Lucia Development Corp. (SLDC) para sa development ng Lakeshore Subdivision na pag-aari ng CCEI.
Pero nag-demand umano si Hipolito sa CCEI ng komisyon bilang broker ng joint venture gayung ayon sa kasunduan, ang SLDC ang dapat magbayad sa kanya ng komisyon batay sa joint venture agreement na nilagdaan. Naturally, tumanggi ang CCEI. Ipinipilit umano ni Hipolito na entitled siya sa 2 porsyentong komisyon mula sa CCEI sa lahat ng loteng maibebenta ayon sa kasunduan ng CCEI at SLDC. Sa totoo lang, paano siyang magkaka-komisyon gayung sa nakalipas na limang taon, walang nangyaring development kaya walang bentahan ng lupa? Bukod diyan, hindi ang CCEI kundi ang SLDC ang dapat magbigay ng komisyon ayon sa kasunduan.
Kinasuhan ni Hipolito ang CCEI sa Korte na dinidinig hangga ngayon. Bukod pa riyan, patuloy na gumagawa diumano ng walang basehan at mapanirang akusasyon si Hipolito laban sa CCEI at titigil lamang siya kung babayaran siya ng korporasyon ng P5 milyon bukod pa sa bahagi ng 48 ektaryang lupain na nakasaad sa kasunduan. Kung hindi blackmail iyan, ewan ko kung ano.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended