Ang Semana Santa
April 9, 2006 | 12:00am
Ngayo’y simula na ng Semana Santa,
Linggo ng Palaspas ito ang simula;
Si Kristo’y dumating na ang dala-dala
Kaligtasan nati’t ng lahat lahat na!
Ang Semana Santa’y mga tanging araw
Na sumasagisag sa buhay na banal
Ng dakilang Jesus — Ama nating mahal
Na dahil sa atin sa krus namatay!
Sa ating paligid ay marami ngayon
Hindi nagsisimba at asal simaron;
Bata at matanda masama ang layon
At di alintana ang Mahal na Pasyon!
Dati-rati kung sumapit ang K’waresma’t
Taong masasama ay nangagtitika;
Sa nagawang mali at pagkakasala
Sa harap ng altar lumalapit sila!
Subali’t wala na ang panahon iyon
Pagka’t panahon na ng bomba at kanyon
Magandang ugali at dakilang misyon
Binabale-wala saanman naroon!
Ang hangarin ngayo’y pansarili lamang
Kung kaya marami ang nagpapatayan;
Mga pulitiko at ang mayayaman
Hindi pinapansin ang hirap ng buhay!
Sana naman sana kung Semana Santa
Tayo ay magdasal mag-alis ng sala
Mga kamalian sa bansa’t sa kapwa
Iwaglit sa puso’t tayo’y magkaisa!
Kapit-bisig tayong dumulog sa Diyos
Na taglay sa puso tapat na pag-irog;
Mga pagtataksil ibaon sa limot
Yakap-yakap tayong ang bansa’y itampok!
Linggo ng Palaspas ito ang simula;
Si Kristo’y dumating na ang dala-dala
Kaligtasan nati’t ng lahat lahat na!
Ang Semana Santa’y mga tanging araw
Na sumasagisag sa buhay na banal
Ng dakilang Jesus — Ama nating mahal
Na dahil sa atin sa krus namatay!
Sa ating paligid ay marami ngayon
Hindi nagsisimba at asal simaron;
Bata at matanda masama ang layon
At di alintana ang Mahal na Pasyon!
Dati-rati kung sumapit ang K’waresma’t
Taong masasama ay nangagtitika;
Sa nagawang mali at pagkakasala
Sa harap ng altar lumalapit sila!
Subali’t wala na ang panahon iyon
Pagka’t panahon na ng bomba at kanyon
Magandang ugali at dakilang misyon
Binabale-wala saanman naroon!
Ang hangarin ngayo’y pansarili lamang
Kung kaya marami ang nagpapatayan;
Mga pulitiko at ang mayayaman
Hindi pinapansin ang hirap ng buhay!
Sana naman sana kung Semana Santa
Tayo ay magdasal mag-alis ng sala
Mga kamalian sa bansa’t sa kapwa
Iwaglit sa puso’t tayo’y magkaisa!
Kapit-bisig tayong dumulog sa Diyos
Na taglay sa puso tapat na pag-irog;
Mga pagtataksil ibaon sa limot
Yakap-yakap tayong ang bansa’y itampok!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest