^

PSN Opinyon

Semana Santa

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ang simula ng isang linggong malalim na pinapahalagahan ng mga Katoliko’t Kristiyano sa buong mundo. Ito rin ay tinatawag na Linggo ng Palaspas, ang paggunita sa matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem. Ngunit hindi natin dapat kalimutan kung bakit nagtungo si Jesus sa Jerusalem. Sa Jerusalem magkakaroon ng katuparan ang kalooban ng Ama — ang pagpapakasakit ni Jesus at kanyang pagkamatay sa krus upang tubusin ang sanlibutan sa kasalanan at sa kamatayan.

Ipinaalaala sa atin ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos (na Ikalawang Pagbasa sa liturhiya ngayon) kung ano ang papel na ginampanan ni Jesus (Fil. 2:6-11).

Na bagamat siya’y Diyos, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos, bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus. Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Anupat ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya at ipapahayag ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.


Ang buong linggong ito ay magtatapos sa tinatawag na "Sabado de Gloria" — ang matamang pag-aabang sa pagkabuhay na muli ni Jesus. Sana’y sa buong linggong ito, tunay na madama natin ang mga biyaya’t pagpapala ng Panginoon, ang dakilang pagmamahal ng Ama para sa ating lahat, ang walang-hanggang pagmamahal ni Jesus sa Ama at sa ating lahat sa pamamagitan ng pag-aalay niya ng kanyang sarili sa krus.

vuukle comment

ANUPAT

DIYOS

DIYOS AMA

FILIPOS

IKALAWANG PAGBASA

IPINAALAALA

PANGINOON

SA JERUSALEM

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with