^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Madadagdagan pa ang mga tambay

-
NAKAKA-SHOCK ang report ng IBON Foundation na isa sa apat na college graduate ngayong taong ito ay magiging jobless. Madadagdag sila sa marami nang tambay na matagal na ring naghahanap ng trabaho. Ayon sa Commission on Higher Education (CHED) may kabuuang 447,847 graduates ngayong taong ito. Masyadong marami para sa 98,000 lamang na trabaho na nagawa ng gobyerno.

Sa mga mahihirap na magulang, sakripisyo ang pagpapatapos sa mga anak sa kolehiyo. Kumakapit sila sa patalim para maigapang sa pag-aaral ang anak. Lubos ang paniniwala nila na kapag nakatapos ang kanilang anak sa pag-aaral makakakita ng trabaho at ito ang tutulong sa kanila para makaahon sa kahirapan. Kaya nga ang katwiran nila, gawin na ang lahat ng paraan para makatapos ang anak sa pag-aaral at bahala na.

Pero malaking pagkadismaya ang nararamdaman ng mga magulang na makaraang makatapos ang anak ay magiging tambay din pala. Walang makitang trabaho.

Nasaan na ang pangakong milyong trabaho ni President Arroyo na ayon sa kanya’y prayoridad niya. Nawala na ba ang pangako at ang pinagkakaabalahan na lamang ay ang pagpapalit ng Konstitusyon?

Ayon sa Department of Education, mas maraming nagtapos ngayong schoolyear kumpara noong nakaraang taon. At tiyak na madilim ang naghihintay sa mga bagong graduates sapagkat wala silang mapapasukang trabaho. Ang "pagbibilang ng poste" ang kanilang babagsakan. Wala silang pagkakakitaan. Ang apat o limang taong binuno nila sa school ay hindi pa masusuklian. Mas kawawa naman ang kanilang mga magulang na umaasang mababawasan na sila ng pasanin.

Ang kawalan ng trabaho ang isa sa mga pro-blema ng bansa at kung hindi matutupad ng gobyerno ang pangakong maraming trabaho, lalong malaking problema ang kahaharapin. Lalo pang paghihirap ng buhay ang daranasin. Mabuti sana kung makapag-abroad kaagad ang bagong graduate, paano kung hindi? Lalo ngayong nababawasan umano ang demand ng mga bansang kailangan ng manggagawang Pinoy.

Trabaho ang kailangan ng mga bagong graduate at sana ay makapag-create ang gobyerno. At sana ay mga disenteng trabaho ang malikha na walang kulapol ng sugal. Sabi ng gobyerno sa paglulunsad ng small-town lottery (STL) ay magkakaroon ng trabaho ang gobyerno. Iyon nga lang trabahong na-create dahil sa sugal.

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

HIGHER EDUCATION

IYON

KAYA

KONSTITUSYON

KUMAKAPIT

PRESIDENT ARROYO

TRABAHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with