Ilegal terminal sa Blumentritt hulog sa BITAG!
March 31, 2006 | 12:00am
ISANG reklamo ang natanggap ng BITAG hinggil sa isang iligal na terminal sa mismong harap ng barangay hall na nagsisilbing opisina ng naturang ilegal na terminal.
Ilang gabing sinurveillance ng BITAG ang nasabing terminal at dito nasapol ng aming concealed camera ang mismong Ex-O at isang kagawad na kumukuha ng perang koleksyon na ibinibigay ng mga pumapasadang FX drivers.
Unang inilapit ng BITAG ang kaso hinggil sa ilegal na terminal sa Traffic Management Group o TMG sa Camp Crame subalit sinabi sa amin na hindi saklaw ng naturang departamento ang kaso at sa halip ipinadala kami ni Insp. Lakandula Santos III sa MMDA Traffic Enforcement Group o TEG sa Port Area, Manila.
Subalit pagdating ng grupo sa TEG, dinatnan naming "blanko" ang nasabing istasyon at tanging si Insp. Leonardo Vitug at kanyang desk officer ang humarap sa amin.
Dito inamin ng kawawang si Vitug sa BITAG na di niya saklaw ang kasong aming inilapit at wala rin siyang maibigay na police assistance. Wala naman daw silang mga pulis!
Pero pinilit pa rin namin makakuha ng TEG dahil sa kinakailangan sa operasyon ang magti-ticket sa mga koloruim na FX.
Dito napag-desisyunan ng grupo na tumungo na sa Central Station 3, pero mas masahol pa pala ang aming dadatnan dito, may mga pulis nga, pero wala namang magawa ang alam lang ngumawa! Tinuruan pa kami ng mga walang alam na pulis na dumeretso na lang daw kami sa Community Precinct sa Blumentritt.
Hindi ipinanganak kahapon ang BITAG, alam namin na ginawang pagpasa-pasa sa amin lalo na ng mga sangkaterbang inutil sa Station 3 ay susunugin nila ang aming operasyon.
Nagduda na kami na simula pa lamang ay alam at hindi magiging matagumpay ang operasyon dahil sa walang babala ang mga pulis.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest