^

PSN Opinyon

Kalaswaan ng mga baklang performers sa harap ng webcams, hulog sa BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATAGUMPAY na operasyon ng National Bureau of Investigation at BITAG sa isang cybersex den sa Mabalacat, Pampanga.

Matapos ang anim na buwang pagtatrabaho at pag-su-surveillance ng BITAG ay matagumpay na nahulog sa aming patibong ang naturang cybersex den.

Kauna-unahan sa larangan ng investigative program ang mga aktuwal na aktibidades at kalaswaan ng mga baklang performers sa harap ng webcams, hulog sa BITAG ng aming concealed camera.

Dahil sa maaksiyong operation na ginawa ng BITAG at National Bureau of Investigation o NBI ay nahaharap ang mga cybersex den maintainers sa kasong R.A. 9208 o Human Trafficking.

Alam ng BITAG na nagkalat na sa apat na sulok ng bansa ang mga cybersex den sa pamamagitan ng mga international servers na bumibitbit upang makapag-operate at makapagbenta ng kalaswaan.

Babala ng BITAG sa iba pang nagpapatakbo ng mga cybersex den, huwag n’yo nang hintayin na kayo ay mahulog sa aming BITAG.

Dahil nakakasa ang aming surveillance at concealed camera upang tuldukan ang mga malalaswang pinaggagawa sa mga biktima ng human trafficking.
* * *
Bitag hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG".

vuukle comment

ALAM

BABALA

BITAG

DAHIL

HUMAN TRAFFICKING

KAUNA

MABALACAT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with