Dahil sa pagsalakay ng cancer cells ang balat ng suso ay maaaring maging dimpled at sa dakong huli ay magiging mamula-mula ang kulay. Ang paglaki ng laman sa suso ay magiging kapansin-pansin sapagkat obvious na lalaki rin ang apektadong suso. Ang paglaki ng nodes sa itaas na bahagi ng clavicular area, ang paninigas at paglaki ng atay, masidhing pag-ubo at pananakit ng buto ay isang palatandaan na ang cancer sa suso ay malubha na o nasa advanced stage na.
Ang self breast examination ng mga kababaihan makaraan ang kanilang regla ay ipinapayo. Ang mga teenagers na mayroong nasasalat na bukol o laman sa kanilang mga suso ay hindi dapat matakot sapagkat ang mga ito ay benign. Para sa ikatatahimik ng isipan at kalooban, maaari silang magpakunsulta sa doktor.
Inirerekomenda ko sa ganitong kaso ay conservative management sa halip na operasyon.
Kung ang doktor ay may duda, maaari siyang mag-request ng x-ray studies ng mga suso o ang tinatawag na mammography, ultrasound, thermography o kaya ay CT scan o Magnetic Resonance Imaging (MRI).
Ang ilang doktor ay maaaring magsagawa ng needle aspiration o needle biopsy. Maaari ring gawin ang excision biopsy kung kinakailangan.
Kung ang doctor ay naghihinalang nasa advanced cancer na ang pasyente at kailangang operahan, bago isagawa ang operasyon, kailangang isailalim muna ang pasyente sa sumusunod na examinations:
Chest X-ray
Nuclear Medicine Bone Scan
Diagnostic Ultrasound of the liver
Blood Chemistry such as Alkaline Phosphatase
(Itutuloy)