Ang American Cancer Society at American College of Obstetrics and Gynecology ay nagpapayo na magpa-annual mammogram ang mga babaing may edad 40. Ang National Cancer Institute naman ay nagpayo sa mga 50 anyos na babae na magpa-mammogram taun-taon.
Sa kabila ng magkakaibang pahayag napatunayan na mas mahirap malaman kung meron o walang cancer sa suso ang mga kababaihang hindi pa nagme-menopause.
Ayon sa mga eksperto, dapat alamin ng kababaihan kung ang pamilya ay may history ng breast cancer at breast abnormalities. Dapat patuloy na imonitor ang kalusugan sa pamamagitan ng annual clinic exams and monthly breast self-exams. Ugaliing tingnan at haplusin ang mga suso para malaman na walang anumang bagay na magbubunga ng cancer.