Liham ng isang OFW
March 11, 2006 | 12:00am
ISA lamang po akong hamak na OFW, gusto ko lang po kayong kumustahin, tuloy maiparating sa inyo ang buong puso kong paghanga sa inyo. Lalo na ang pagiging matapang ninyo sa larangan ng inyong trabaho.
Wala akong masabi basta hinahangaan ko po kayo lalo na ang mga panulat ninyo tungkol sa Monkey Queen at iba pang karumal-dumal sa ating gobyerno. Naway hindi kayo magbago at palaging matatag at malakas ang loob sa inyong mga isinusulat.
Kayo na lamang po ang natitirang institusyon (media) ang hindi sunud-sunuran sa gobyernong magnanakaw, sinungaling, mandaraya, lahat na yata ng masamang pananaw ay nasa gobyernong Arroyo.
Ito po ang tunay kong pangalan, Loreto M. Balela Jr., baka po kasi gusto rin ng ating magaling na DOJ Secretary na akoy ipaaresto pag-uwi ko next year. Para alam niya ang buong pangalan ko. Malay nyo, baka akoy isa ring tao na naghahayag lamang ng aking damdamin sa ating gobyernong naknakan ng sinungaling at aakusahang sedisyon ba tawag dun.
Ang masasabi ko po sa ating gobyerno ay KUPAL ang lahat ng ADMINISTRASYON. Masyado na hong pang-aapi ang ginagawa ng mga tuta, sipsip at kung anu-ano pa sa ating kalayaan, demokrasya lalo na ang malayang pamamahayag na tanging salamin ng mamamayan sa ating lipunan.
Pati malayang pamamahayag gusto niyang kontrolin, ang KAPAL talaga ng mukha. Palagi pang isinasali ang PANGINOONG DIYOS sa mga talumpati niya. Baka diyos ng demonyo ang sinasabi niya. Pasensya na po kayo sa e-mail kong ito talaga lang pong gigil na gigil na ako sa H . na Arroyong yan. Arroyo ba o ARROVO.
Naway pagpalain po kayo ng POONG MAYKAPAL at ilayo sa mga panganib sanhi ng inyong pagganap sa inyong trabaho sampu ng iba pang mga manunulat na kagaya ninyo.
Napakahirap pong maging OFW, malayo sa pamilya pero kapit po sa patalim. Gutom po diyan sa atin. Kahit nasa abroad ako hindi ko po alam kung maipagtatapos namin ng pag-aaral ang aming apat na anak.
Napakaliit lang naman din po ng sahod ng mga OFW. Sino ho ba yung kurimaw na gustong lagyan ng tax ang mga OFW, hindi yata nag-click yon. Medyo matagal yun nung mabasa ko sa dyaryo.
Kulang pa yata ang ninanakaw sa KABAN NG BAYAN kaya gustong mag-isip ng ibang tax. Para nga naman madagdagan ang nanakawin di ba?
Ako poy isang taga tangkilik ng inyong pahayagang PILIPINO STAR NGAYON. Mabuhay po kayo. Ang galing po tumirada. Asar talo kahit papano ang mga magnanakaw, sinungaling, mandaraya, sipsip at kung anu ano pa.
MULI MABUHAY PO KAYO SAMPU NG MGA MANUNULAT SA LAHAT NG MGA PAHAYAGAN. "loreto balela" <[email protected]>
E mail ho yan ng isa nating kababayan. Marami pa hong halos kagaya niya ang liham at pati mga text. Medyo tame pa nga ho dahil ang iba ho ay nagmumura na sa ngitngit.
Wala tayong binago sa liham ni Loreto maliban roon sa salitang H . na unprintable.
Kay Loreto at sa napakaraming patuloy na sumusuporta sa inyong lingkod, kayo ho ang nagpapalakas ng loob ko kahit na walang tigil ang mga sipsip, galamay, alagad, kakampi, kasabuwat, linta at iba pa na patuloy na nanghaharass sa inyong lingkod.
Muli, pinapangako ng inyong lingkod na hindi nila ako kayang takutin at patahimikin dahil sa bawat isang kanilang mabusalan, sampu ang papalit.
Doon naman sa katanungan kung sino ang nais nyong maging Pangulo kung sakaling mapalitan si Madam Senyora Donya Gloria, ang resulta po ay ibibigay ko sa susunod nating column. In the meantime, text lang ho kayo at pangako ko, bawat text at bawat e- mail ay ating binabasa.
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o nixtkua@ gmail.com o mag-text sa 09272654341.
Wala akong masabi basta hinahangaan ko po kayo lalo na ang mga panulat ninyo tungkol sa Monkey Queen at iba pang karumal-dumal sa ating gobyerno. Naway hindi kayo magbago at palaging matatag at malakas ang loob sa inyong mga isinusulat.
Kayo na lamang po ang natitirang institusyon (media) ang hindi sunud-sunuran sa gobyernong magnanakaw, sinungaling, mandaraya, lahat na yata ng masamang pananaw ay nasa gobyernong Arroyo.
Ito po ang tunay kong pangalan, Loreto M. Balela Jr., baka po kasi gusto rin ng ating magaling na DOJ Secretary na akoy ipaaresto pag-uwi ko next year. Para alam niya ang buong pangalan ko. Malay nyo, baka akoy isa ring tao na naghahayag lamang ng aking damdamin sa ating gobyernong naknakan ng sinungaling at aakusahang sedisyon ba tawag dun.
Ang masasabi ko po sa ating gobyerno ay KUPAL ang lahat ng ADMINISTRASYON. Masyado na hong pang-aapi ang ginagawa ng mga tuta, sipsip at kung anu-ano pa sa ating kalayaan, demokrasya lalo na ang malayang pamamahayag na tanging salamin ng mamamayan sa ating lipunan.
Pati malayang pamamahayag gusto niyang kontrolin, ang KAPAL talaga ng mukha. Palagi pang isinasali ang PANGINOONG DIYOS sa mga talumpati niya. Baka diyos ng demonyo ang sinasabi niya. Pasensya na po kayo sa e-mail kong ito talaga lang pong gigil na gigil na ako sa H . na Arroyong yan. Arroyo ba o ARROVO.
Naway pagpalain po kayo ng POONG MAYKAPAL at ilayo sa mga panganib sanhi ng inyong pagganap sa inyong trabaho sampu ng iba pang mga manunulat na kagaya ninyo.
Napakahirap pong maging OFW, malayo sa pamilya pero kapit po sa patalim. Gutom po diyan sa atin. Kahit nasa abroad ako hindi ko po alam kung maipagtatapos namin ng pag-aaral ang aming apat na anak.
Napakaliit lang naman din po ng sahod ng mga OFW. Sino ho ba yung kurimaw na gustong lagyan ng tax ang mga OFW, hindi yata nag-click yon. Medyo matagal yun nung mabasa ko sa dyaryo.
Kulang pa yata ang ninanakaw sa KABAN NG BAYAN kaya gustong mag-isip ng ibang tax. Para nga naman madagdagan ang nanakawin di ba?
Ako poy isang taga tangkilik ng inyong pahayagang PILIPINO STAR NGAYON. Mabuhay po kayo. Ang galing po tumirada. Asar talo kahit papano ang mga magnanakaw, sinungaling, mandaraya, sipsip at kung anu ano pa.
MULI MABUHAY PO KAYO SAMPU NG MGA MANUNULAT SA LAHAT NG MGA PAHAYAGAN. "loreto balela" <[email protected]>
Wala tayong binago sa liham ni Loreto maliban roon sa salitang H . na unprintable.
Kay Loreto at sa napakaraming patuloy na sumusuporta sa inyong lingkod, kayo ho ang nagpapalakas ng loob ko kahit na walang tigil ang mga sipsip, galamay, alagad, kakampi, kasabuwat, linta at iba pa na patuloy na nanghaharass sa inyong lingkod.
Muli, pinapangako ng inyong lingkod na hindi nila ako kayang takutin at patahimikin dahil sa bawat isang kanilang mabusalan, sampu ang papalit.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest