Mga paraan para mapigilan ang paghihilik

MADALAS na mabanggit sa kolum na ito na ang sobrang paghilik sa pagtulog ay malaking perhuwisyo sa mga kasambahay lalo na sa asawa na katabi sa pagtulog. Isang mabigat na ground for divorce sa Ame-rika ang heavy snoring at isa ring dahilan ito ng pagsasampa ng annulment ng kasal.

Ayon kay Dr. Gil Vicente, eye-nose-throat and neck specialist sa St. Luke’s Medical Center, may mga makabagong surgical techniques na para mapahina hanggang sa mawala ang paghihilik. Isang dahilan ng paghihilik ay ang tinatawag na sleep apnea na ang paghilik ay hindi tuluy-tuloy at ang bawat patlang ay kritikal sa paghinga na magdudulot ng kamatayan.

Ipinaliwanag ni Dr. Vicente na ang paghilik ay bunga ng pagkakaroon ng bara sa mga air passages at ito’y nagreresulta sa sobrang pagkilos ng dila, soft palate, tonsils at adenoids na nagtri-triger ng malakas na paghihilik.

Ilan sa mga inilahad na paraan para maiwasan ang sobrang paghilik ay ang paghiga ng nakatagilid at nakadapa. Huwag nakatihaya. Dapat ding iwasan ang alak at pagkain na mayaman sa cholesterol at sa mga kaso na talagang malala na ang paghihilik, operasyon na ang dapat sa kanila.

Show comments