^

PSN Opinyon

Natividad Farm na nagkakatay at nagbebenta ng mga double dead na manok, susunod kayong mahuhulog sa aming BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATATANDAAN na nuong nakaraang Sabado ay ipinalabas sa BITAG ang isang inirereklamong farm sa San Mateo Rizal na nagkakatay at nagbebenta ng mga double dead na manok.

Nakaabot sa aming grupo na patuloy pa rin ang isinasagawang pagkakatay at pagbebenta ng Natividad Farm ng mga manok na patay na, kinatay pa!

Report ng mga residenteng nagtext sa’min, tinatawanan lang daw ng may-ari ang operasyong isina- gawa ng BITAG at National Meat Inspection Service sa kanilang outlet.

Tuloy pa rin ang kanilang ligaya sa pagbebenta ng mga double dead sa kanilang mga outlet sa Masinag, Antipolo, St. Peter Commonwealth, at sa San Mateo Rizal.

Kaya binibigyan namin ng babala ang lahat, dahil sa patuloy pa rin sa pagkakatay at pagbebenta ng mga double dead na manok ang Natividad Farm, maaaring ang mga nabili n’yong manok ay galing sa kanilang farm.

At para sa kung sino man ang nasa likod ng Natividad Farm, kwidaw na kayo sa BITAG! Alam namin kung sinu-sino ang mga padrinong pinapaderan niyo!

Anumang oras ay puwede naming balatan ng mukha ang mga taong pinananggalang ninyo at hindi kami natatakot.

Wala kaming pakialam kung mga taga-lokal na gobyerno ang inyong padrino at kabakas dahil wala kaming sinasanto.

Dahil alam naming iligal ang ginagawa ng inyong farm, hindi namin kayo titigilan. Ngayon pang alam namin ang lokasyon at minsan na kaming nakapasok sa inyong teritoryo. Hindi kami mangingiming lumapit muli sa Bureau of Animal Industry para lantaran naming pasukin ang inyong teritoryo at mabunyag pa ang mga bahong nabubulok na diyan sa loob.

Hindi estilo ng grupo ng BITAG na siraan ang ano mang establisimiyento o negosyo, pero kung kapakanan na ng nakararami ang pinag-uusapan, dito na makikialam ang grupo ng BITAG. Kung giyera lang naman ang gustong mangyari ng nagmamay-ari ng Natividad Farm, wag niyo kaming hamunin dahil kayang-kaya naming ibigay ang kahilingan niyo. Nasampulan na namin ang isa niyong outlet, at sinisiguro naming susunod ang iba niyo pang puwesto pati na ang Natividad Farm mismo.

Matibay ang aming mga ebidensiya sa paggawa ninyo ng kalokohan kaya hindi kayo makakapagtago sa’min.

Sige ipagpatuloy n’yo lang ang inyong kabulastugan, tingnan natin kung makangiwi pa ‘yang mga pagmumukha ninyo. Dahil itaga niyo sa bato, susunod na ang Natividad Farm na makakatikim ng patibong ng BITAG!

ALAM

ANUMANG

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

DAHIL

FARM

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

NATIVIDAD FARM

SAN MATEO RIZAL

ST. PETER COMMONWEALTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with