Ang unang dokumento ay "Mahahalagang Punto ng mga Kaisahan at Unawaan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Katipunan ng mga Anak ng Bayan". Kasunduan ito, ani AFP spokesman Col. Tristan Kison, na itumba si Arroyo, bumuo ng transition government, at palakasin ang kani-kanilang puwersa. Ang layunin: Ganap na kalayaan, bagong sistema ng ekonomiya, makabayang kultura, repormang halalan at Konstitusyon, at peace talks.
Ang ikalawang dokumento ay "Minutes re Final Talk, Feb. 20, 2006". Itoy pulong ng pitong PKP at anim na KAB members na gumamit ng mga alyas. Ani Kison, ilan pa lang ang nakilala nila sa magkabilang panig: Leo Velasco ng PKP central committee; Prudencio Calubid, Adilberto Silva at Tirso Alcantara ng New Peoples Army; dating Reform the AFP Movement leaders at retired colonels Rafael Galvez, Felix Turingan at Jake Malajacan; at sina San Juan at Belmonte.
Sa unang bahagi ng "Final Talk", kinuwento ng mga taga-KAB ang links nila sa isang "Ping" na "nakuha ang mga pulis," sa "Erap forces" na "nais ang pagbabalik." Tinalakay din ang mga puwersa sa labas nina "Cory-Drillon".
Sa ikalawang bahagi pinag-usapan ang malakihang mobilisasyon para nung Peb. 24 sa EDSA, katapat ng pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng People Power Revolt. Magkakaroon daw yon ng "military component". Pamumunuan ng isang "Bitoy" ang KAB military arm na Makabayang Kawal Pilipino, at ang ground forces ay sa ilalim ni "Nikkie". Ani Kison, si Bitoy ay si dating senador Gringo Honasan, at si Nikkie ay si Brig. Gen. Danny Lim. (Restricted to quarters ngayon si Lim; nabuko kasi ang umanoy planong pagmartsa nila sa EDSA.) Pero dress rehearsal lang ang EDSA rally; may mas malaking People Power-4 sa Mayo. (Itutuloy bukas)