^

PSN Opinyon

51 individuals nasa watchlist ng Immigration

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGBUNYI ang grupo ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag o AFIMA matapos bawiin ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo ang Presidential Proclamation 1017 kahapon.

Sinabi ni AFIMA Prez Benny Antiporda, isang tagumpay ito para sa mga mamamahayag kaya isang pagti-tipon sa lahat ng media association sa Metro Manila ay inaanyayahan sa isang munting salu-salo sa Wednesday ng gabi na gaganapin sa NPC.

Ang isyu, may 51 individuals ang inilagay ng Bureau of Immigration sa watchlist matapos kasuhan ng Department of Justice sa umano’y rebellion at kudeta. Ang watchlist ng BI ay inilabas sa kautusan ni DOJ bossing Raul Gonzales.

Ang mga personalidad ay sina Representatives Satur Ocampo, Liza Masa, Crispin Beltran, Rafael Mariano, Teodoro Casino at Joel Virador at ang mga ranking leaders ng underground Communist Party of the Philippines and National Democratic Front Jose Ma. Sison, Luis Jalandoni at Gregorio Rosal.

Kasama sa talaan ng watchlist ay sina Senator Gregorio "Gringo’’ Honasan, retired Col. Jake Malajacan, retired Capt. Felix Turingan at 1st Lieutenants Lawrence San Juan, Angelbert Gay and Patricio Bumindang at 2nd Lt. Aldrin Baldonado ng Magdalo group of mutinous soldiers.

Ang iba pa ay sina Benito at Wilma Tiamzon, Tirso Alcantara, Benjamin Mendoza, Vicente Ladlad, Nathaniel Santiago, Sotero Llamas, Julio Atienza, Edilberto Escudero, Rosemarie Domanais, Rogelio Villanueva, Leo Velasco, Rafael Baylosis, Prodencio Calubid at Philip Limjoco.

Kasama rin ang mga pangalan nina Julius Giron, Allan Jazmines, Antonio Cabanatan, Fidel Agacaoili, Edilberto Silva, Maria Concepcion Araneta Bocala, Jorge Madlos, Eugenia M. Topacio, Francisco Fernandez, Carlos Borjal, Elizabeth Principe, Juliet Sison, Randall Echaniz, Rey Claro Casandre, Edwin Alcid, Tita Lubi, Abdias Guadania, Mike Gamara, Attty. Christopher Belmonte at Raffy Galvez.

Hindi ito basta makakalabas ng bansa habang wala silang clearance from the Department of Justice.

‘‘Ang dami pala nilang nasa watchlist,’’ anang kuwagong retired Fiscal.

‘‘Oo nga, kalaban daw kasi sila ng gobyerno?’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Paano sila makakalabas ng Pinas?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Iyan kamote ang itanong ninyo sa DOJ!’’

ABDIAS GUADANIA

ALDRIN BALDONADO

ALLAN JAZMINES

ANGELBERT GAY AND PATRICIO BUMINDANG

ANTONIO CABANATAN

BENJAMIN MENDOZA

BUREAU OF IMMIGRATION

CARLOS BORJAL

CHRISTOPHER BELMONTE

DEPARTMENT OF JUSTICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with