Taga-probinsiya vs taga-Maynila
March 3, 2006 | 12:00am
UMIIGTING ang hidwaan ng Administrasyon at Oposisyon. Gumugulo ang mga martsa at lumalakas ang sigaw para bumaba sa puwesto si Pres. Gloria Arroyo. Pero lahat ito ay sa Kamaynilaan lang. At dahil dito, lumalala rin ang inis ng mga taga-probinsiya sa mga taga-Maynila.
Sa kaiikot ko sa bansa, malimit akong natatanong kung "kailan kaya matatapos ang gulo sa Maynila." Nabatid ko na iba-iba ang ibig sabihin nila sa "pagtapos ng gulo." May ilan na ang nais ay magbitiw na si Arroyo dahil sa kawalan ng tiwala ng madla. Karamihan ay nais na huminto na ang Oposisyon sa kara-rally dahil nabubulabog lang ang negosyo pati sa probinsiya. May nagsasabi rin na dapat magbati na ang dalawang panig.
Magkaiba ang interpretasyon ng taga-Maynila at taga-probinsiya sa krisis pampulitika. Sa Kamaynilaan ang sentro ng gobyerno, ng media, at ng kalakal. Mas nararamdaman na taga-Maynila ang krisis dahil sila ang sumasali o nata-trapik sa rallies. Sila ang nakakarinig ng balitang-radyo tungkol sa mga anomalyang nauungkat ng Senado. Sila ang nangangamba sa trabaho tuwing nagsasalita ang mga amo na masyado nang magulo ang sitwasyon kaya baka magsara ang kumpanya.
Sa probinsiya, telebisyon at diyaryo ang sanhi ng balita. Processed na ang news na napapanood o nababasa nila; dumaan na sa news editors na sumikap kumuha ng lahat ng panig, di tulad ng Manila radio news na on-the-spot. Dahil processed na ang balita, mas madali nang maghusga ang taga-probinsiya. Para sa kanila, masyadong sakim sa poder ang Oposisyon. Ipagpalagay nang nandaya sa eleksiyon si Arroyo, anila, pero bakit pati si VP Noli de Castro ay pinagre-resign ng Oposisyon. Halata raw na gusto lang iluklok ni dating Presidente Cory Aquino ang inaanak na Senate President Franklin Drilon, o kaya magka-junta kung saan mauupo ang Oposisyon.
Tiyak, nasasagap din ng Administrasyon ang ganyang sentimiyento. Alam nito na sa Maynila lang lumulubog ang ratings ni Arroyo, pero nananatiling pasensiyoso ang taga-probinsiya. Kaya ayaw niyang magbitiw.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest