Sa Grotto Vista, sa City of San Jose del Monte gagawin ang makasaysayang pagpapalitan ng trono at fellowship. Mabuhay ang mga kapatid natin sa CSJDM Lodge 357!
Ang isyu, hindi dapat tratuhin ng government ang mga mediamen na bumabatikos sa gobyerno as enemy of the state. Karapatan ng madlang people na malaman ang balitang totoo na nangyayari sa Pinas. Ika nga, mabuti man o masama meron silang right to information!
Ito ang inihahatid ng mediamen hindi lang sa madlang people kundi sa gobyerno rin. Mas maganda nga kung ang nababasa ng mga taga-gobyerno ay mga negatibo dahil may pagkakataon sila para gawing positibo ang kanilang aksyon. Kaya naman binibira ng media ang gobyerno kapag negatibo ang dating nila dahil ibig lang iparating ang kanilang pagkukulang. Ika nga, ang newspaper ay tulay ng gobyerno sa tao!
Hindi naman puwede na puro positibo ang dapat malaman ng tao dahil halatang boladas ito at alaws bibili ng diyaryo. Sabi nga, PR newspaper ang dating.
Kung may kasalanan ang iba kong kapalda este mali kabaro pala kausapin at huwag takutin. Ang primary purpose kaya nagtatayo ng newspaper, TV station at radio station ay para maghatid ng tamang balita sa madlang people.
Kahapon ay pinangunahan ng Alyansa ng Filipinong Mamahayag o AFIMA kasama ang ibat ibang media association sa buong Maynila para sa protesta upang hugutin ni Prez GMA ang Presidential Proclamation 1017 na ipinatupad last Friday.
Pagsupil kasi sa kalayaan ng media ang PP 1017, sabi ng kuwagong tulog na reporter.
May mga mediamen na nagpakalbo para iparating sa Palasyo na dehins sila destabilizers, naiinis na sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.
Ang media ang tulay ng gobyerno sa tao, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Diyan kamote tama ka!