^

PSN Opinyon

Mediamen tulay ng gobyerno at tao

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
TODAY, at 4:00 p.m. ang installation of newly elected officers ng year 2006-2007 ng San Jose del Monte Lodge 357 ng Free and Accepted Masons of the Philippines. Si Worshipful Master Astig, Salboro, ang uupo sa East. Samantala, sina Bobby Apostol, ang hinirang na Senior Warden at Josjo Arciaga, ang Junior Warden ng nasabing loya. Pinalitan ni WB Astig si outgoing Worshipful Master Rolly delos Santos.

Sa Grotto Vista, sa City of San Jose del Monte gagawin ang makasaysayang pagpapalitan ng trono at fellowship. Mabuhay ang mga kapatid natin sa CSJDM Lodge 357!

Ang isyu, hindi dapat tratuhin ng government ang mga mediamen na bumabatikos sa gobyerno as enemy of the state. Karapatan ng madlang people na malaman ang balitang totoo na nangyayari sa Pinas. Ika nga, mabuti man o masama meron silang right to information!

Ito ang inihahatid ng mediamen hindi lang sa madlang people kundi sa gobyerno rin. Mas maganda nga kung ang nababasa ng mga taga-gobyerno ay mga negatibo dahil may pagkakataon sila para gawing positibo ang kanilang aksyon. Kaya naman binibira ng media ang gobyerno kapag negatibo ang dating nila dahil ibig lang iparating ang kanilang pagkukulang. Ika nga, ang newspaper ay tulay ng gobyerno sa tao!

Hindi naman puwede na puro positibo ang dapat malaman ng tao dahil halatang boladas ito at alaws bibili ng diyaryo. Sabi nga, PR newspaper ang dating.

Kung may kasalanan ang iba kong kapalda este mali kabaro pala kausapin at huwag takutin. Ang primary purpose kaya nagtatayo ng newspaper, TV station at radio station ay para maghatid ng tamang balita sa madlang people.

Kahapon ay pinangunahan ng Alyansa ng Filipinong Mamahayag o AFIMA kasama ang iba’t ibang media association sa buong Maynila para sa protesta upang hugutin ni Prez GMA ang Presidential Proclamation 1017 na ipinatupad last Friday.

‘‘Pagsupil kasi sa kalayaan ng media ang PP 1017,’’ sabi ng kuwagong tulog na reporter.

‘‘May mga mediamen na nagpakalbo para iparating sa Palasyo na dehins sila destabilizers,’’ naiinis na sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Ang media ang tulay ng gobyerno sa tao,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Diyan kamote tama ka!’’

BOBBY APOSTOL

CITY OF SAN JOSE

FILIPINONG MAMAHAYAG

FREE AND ACCEPTED MASONS OF THE PHILIPPINES

IKA

JOSJO ARCIAGA

JUNIOR WARDEN

MONTE LODGE

PRESIDENTIAL PROCLAMATION

SA GROTTO VISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with