Liham ng buntis na natatakot ma-eclampsia
February 12, 2006 | 12:00am
"Dear Dr. Elicaño, may edad na po ako nang mag-asawa at ngayon ay buntis na. Bukod po sa may-edad na ako ay may katabaan din. Narinig ko po sa mga kasamahan ko sa trabaho na ang karaniwang nagkakaroon ng eclampsia ay mga babaing may-edad na at matataba. Totoo po ba ito? Natatakot ako. Huwag mo na pong banggitin ang pangalan ko. Maraming salamat, Doc."
Ang tungkol sa eclampsia ay naging topic ko na sa column na ito. Hindi mo siguro nabasa o ngayon ka lang nagbasa ng Pilipino Star NGAYON.
Tungkol sa mga tanong mo sa eclampsia, karaniwang nangyayari ang eclampsia sa unang pagbubuntis ng babae. Kadalasang nagkakaroon ng eclampsia ay mga babaing may edad na. Maaari ring magkaroon ng eclampsia ang mga matataba, may high blood pressure, at kung ang ipinagbubuntis ay kambal.
Ang eclampsia ay convulsion sa panahong buntis ang babae at apektado ang kanyang cardiovascular system.
Unang palatandaan ng eclampsia ay ang pagtaas ng blood pressure, pananakit ng ulo, pamamaga ng bukung-bukong at ang hindi maipaliwanag na pagbigat ng timbang. Ang eclampsia ay makukumpirma kapag nakita sa ihi ang protein. Kapag hindi nagamot ang eclampsia, kasunod na rito ang convulsion. Kadalasang natutuklasan ang eclampsia kung ito ay nasa early stages kaya ang tawag dito ay pre-eclampsia.
Nararapat ang lubusang pamamahinga sa may eclampsia at ang maingat na pagmonitor sa fetus. Kapag lumala ang sitwasyon, dapat nang isagawa ang emergency Caesarian section sa ina.
Gusto kong linawin na walang katotohanan na namamana ang eclampsia. Inirerekomenda sa mga nagbubuntis na ireport sa midwife o doktor ang mga kondisyon o history sa kanyang pamilya.
Ipinapayo sa mga kababaihan na mag-take ng normal salt diet at uminom nang maraming tubig. Ang matinding kumplikasyon ng eclampsia ay pagbaba ng platelet count ng dugo kung saan nagiging dahilan ng blood clotting. Ang eclampsia ay maaari rin namang umatake ilang araw matapos makapanganak pero 25 percent lamang ang nangyayaring ganito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest