Sapol kasi guilty?
February 9, 2006 | 12:00am
"ANG kuwentong ito ay parang bato bato sa Langit, pero ang Tamaan Tiyak Sapol. Kung sinuman ang naniniwalang sila ang pinatutungkulan nito, umaamin siguro kayo na isa kayong matsing, unggoy, kasabwat, tuta, linta o sipsip at definitely GUILTY. Kung tablan kayo, natural lang yon dahil masakit at mapait talaga ang katotohanan. Aray! Ouch! Aaw!"
Yan ho ang nilagay ko sa huling bahagi ng aking column noong nakaraang Martes na pinamagatan kong TUSO TALAGA ANG MONKEY QUEEN. Ni minsan ay hindi ko tinukoy kung sino ang Monkey Queen bagamat nasabi ko noon sa isa pang nakaraang column na sa isang malayong lugar naghahari-harian ito.
Nakakatuwa nga lang ho mga kaibigan dahil kahapon ho ay may ilang nag-text at isa ang nag-email sa akin at galit na galit ang reaksyon. Gaya ng sabi ko noong nakaraan, wala naman akong pinangalanan o pinatungkulan man lang pero baka guilty ay nagngingitngit sila sa galit.
Ilalathala ko ang mga number nila para naman malaman ng sambayanan o ng amo nila na ganoon sila ka-loyal na parang mga tuta. Hayan ha, wala akong sinabing tuta kayo, baka masamain nyo na naman.
Anyway, ito ho ang mga numero nila: 09173946064, 0918-3544898, 09179922208, 09196869643, 09206509614, 0906-3594220, 09205682910, 09193864155 at 09062051602 at sa e mail address na [email protected]. Muli lubos lang ang aking pagtataka dahil mukhang nasaktan sila sa mga banat ko sa Monkey Queen at sa kanyang mga matsing, unggoy, kasabwat, tuta, linta o sipsip at GUILTY. BAKIT KAYA? Hindi naman siguro sila guilty ano? Tatanong lang po!!!
Siyanga pala, meron ho akong bagong balita tungkol sa Monkey Queen at siya pala ay talagang ambisyosa at buong akala ay kahanay siya ni Queen Elizabeth ng United Kingdom.
Bakit kanyo? Aba, ang Monkey Queen pala na kasalukuyang sumakop sa mga pobreng TAO sa isang dating maunlad at masayang bansa ay namili ng malaking Kastilyo sa Ascott, England.
Ang nasabing property ho ay nagkakahalaga ng P300,000,000 (P300 million) at kasalukuyang nasa pag-iingat ng isang Briton na mahilig sa tulay. Tulay ho as in Bailey Bridge. Yun bang gaya ng tulay na iba-iba ang haba, iba iba rin ang lawak pero iisa ang presyo.
Puwera pa ho ito sa property ng Monkey Queen sa Spain at sa San Francisco.
Mukhang nagpe-prepara ang Tusong Monkey Queen ng exit plan niya kung sakaling tuluyang magwala ang mga TAO sa kahariang sinakop niya at magpanggap siyang mayamang nais magbigay ng free tutoring o di kayay maging Ate o Teacher Gorilla sa mga estudyanteng sa paligid niya. Ang ituturo nga pala niya ay ang favorite niyang subject na Cell Phone manners, gaya ng pagbati ng HELLO MONEY sa sinumang tatawag upang magkapera at manalo lagi. Bukod pa ito sa paalala sa mga kabataan na masama ang magsinungaling, mandaya at magnakaw.
O kayong mga alagad, kakampi, kapartido, kasabwat, katsokaran, kapamilya, kamag-anak, sipsip, linta at tuta, baka magalit na naman kayo at natukoy ang panibagong pinamili sa Europe ng Monkey Queen ha.
Huwag na lang kayong mag-react aaminin nyo tuloy na totoo ngang may binili siyang Palasyo malapit sa karerahan ng kabayo sa England. Tandaan nyo, saan ba nahuhuli ang isda?
Marami na hong kumento tungkol sa nangyaring sakuna sa Ultra kung saan mahigit 70 ang nasawi at mahigit 500 and nasugatan. Lubos hong nakakalungkot ang pangyayaring ito at patunay ng lubos na kahirapan ng ating mga kababayan.
Sa tindi ng kanilang kahirapan at kawalan ng trabaho o pagkakakitaan, pumila ng ilang araw ang mga hikahos nating kababayan. Wala silang alisan sa puwesto sa pila at doon na kumakain, natutulog at umiihi sa pag-asang kahit paano ay manalo ng ilang libong pisong ipagkakaloob ng ABS CBN sa unang ilang daang nakakapasok.
Gaya ng dati palitan ng sisi at turuan pero isa lang ho ang punot dulo ng malungkot na pangyayaring ito at iyan ay ang lubos na kahirapan sa ating bansa kaya napipilitan ang ilan nating mga kababayan na magsugal at ang gawing taya ay ang kanilang buhay o sa mas madaling salita ay "kumapit sa patalim."
Maitutulad ko rin sila sa mga kababayan nating namimilit umalis sa bansa at magtrabaho kahit sa Iraq kung saan sabi nga nila mamatay man sila ay busog at hindi dilat ang mga mata dahil sa gutom.
Kung maunlad ang buhay ng ating mga kababayan, meron sigurong iilan na magnanais pumila sa mga game show pero wala hong magtitiyaga na pumila ng ilang araw at matutulog sa puwesto para sa ilang libong piso.
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.
Yan ho ang nilagay ko sa huling bahagi ng aking column noong nakaraang Martes na pinamagatan kong TUSO TALAGA ANG MONKEY QUEEN. Ni minsan ay hindi ko tinukoy kung sino ang Monkey Queen bagamat nasabi ko noon sa isa pang nakaraang column na sa isang malayong lugar naghahari-harian ito.
Nakakatuwa nga lang ho mga kaibigan dahil kahapon ho ay may ilang nag-text at isa ang nag-email sa akin at galit na galit ang reaksyon. Gaya ng sabi ko noong nakaraan, wala naman akong pinangalanan o pinatungkulan man lang pero baka guilty ay nagngingitngit sila sa galit.
Ilalathala ko ang mga number nila para naman malaman ng sambayanan o ng amo nila na ganoon sila ka-loyal na parang mga tuta. Hayan ha, wala akong sinabing tuta kayo, baka masamain nyo na naman.
Anyway, ito ho ang mga numero nila: 09173946064, 0918-3544898, 09179922208, 09196869643, 09206509614, 0906-3594220, 09205682910, 09193864155 at 09062051602 at sa e mail address na [email protected]. Muli lubos lang ang aking pagtataka dahil mukhang nasaktan sila sa mga banat ko sa Monkey Queen at sa kanyang mga matsing, unggoy, kasabwat, tuta, linta o sipsip at GUILTY. BAKIT KAYA? Hindi naman siguro sila guilty ano? Tatanong lang po!!!
Bakit kanyo? Aba, ang Monkey Queen pala na kasalukuyang sumakop sa mga pobreng TAO sa isang dating maunlad at masayang bansa ay namili ng malaking Kastilyo sa Ascott, England.
Ang nasabing property ho ay nagkakahalaga ng P300,000,000 (P300 million) at kasalukuyang nasa pag-iingat ng isang Briton na mahilig sa tulay. Tulay ho as in Bailey Bridge. Yun bang gaya ng tulay na iba-iba ang haba, iba iba rin ang lawak pero iisa ang presyo.
Puwera pa ho ito sa property ng Monkey Queen sa Spain at sa San Francisco.
Mukhang nagpe-prepara ang Tusong Monkey Queen ng exit plan niya kung sakaling tuluyang magwala ang mga TAO sa kahariang sinakop niya at magpanggap siyang mayamang nais magbigay ng free tutoring o di kayay maging Ate o Teacher Gorilla sa mga estudyanteng sa paligid niya. Ang ituturo nga pala niya ay ang favorite niyang subject na Cell Phone manners, gaya ng pagbati ng HELLO MONEY sa sinumang tatawag upang magkapera at manalo lagi. Bukod pa ito sa paalala sa mga kabataan na masama ang magsinungaling, mandaya at magnakaw.
O kayong mga alagad, kakampi, kapartido, kasabwat, katsokaran, kapamilya, kamag-anak, sipsip, linta at tuta, baka magalit na naman kayo at natukoy ang panibagong pinamili sa Europe ng Monkey Queen ha.
Huwag na lang kayong mag-react aaminin nyo tuloy na totoo ngang may binili siyang Palasyo malapit sa karerahan ng kabayo sa England. Tandaan nyo, saan ba nahuhuli ang isda?
Sa tindi ng kanilang kahirapan at kawalan ng trabaho o pagkakakitaan, pumila ng ilang araw ang mga hikahos nating kababayan. Wala silang alisan sa puwesto sa pila at doon na kumakain, natutulog at umiihi sa pag-asang kahit paano ay manalo ng ilang libong pisong ipagkakaloob ng ABS CBN sa unang ilang daang nakakapasok.
Gaya ng dati palitan ng sisi at turuan pero isa lang ho ang punot dulo ng malungkot na pangyayaring ito at iyan ay ang lubos na kahirapan sa ating bansa kaya napipilitan ang ilan nating mga kababayan na magsugal at ang gawing taya ay ang kanilang buhay o sa mas madaling salita ay "kumapit sa patalim."
Maitutulad ko rin sila sa mga kababayan nating namimilit umalis sa bansa at magtrabaho kahit sa Iraq kung saan sabi nga nila mamatay man sila ay busog at hindi dilat ang mga mata dahil sa gutom.
Kung maunlad ang buhay ng ating mga kababayan, meron sigurong iilan na magnanais pumila sa mga game show pero wala hong magtitiyaga na pumila ng ilang araw at matutulog sa puwesto para sa ilang libong piso.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended