Impostor tinuldukan ng BITAG!
January 30, 2006 | 12:00am
MATATANDAAN na ipinalabas ng BITAG nung Sabado ang isang segment tungkol sa isang impostor na gumamit ng ibang identidad makautang lamang siya sa isang credit agency.
Ang ganitong kaso ay bihirang maimbestigahan sa larangan ng imbestigasyon dahil karaniway nagiging matagumpay ang ganitong modus ng isang sindikato.
Naniniwala ang Bahala si Tulfo at BITAG na ang nasa likod ng ganitong panloloko ay organisado ng isang malikhaing sindikato na may koneksiyon sa loob mismo ng mga credit agencies.
Ang nakilalang suspek na si Richard Keh ay napag-alamang ginamit ang identidad ng isang Redentor Vendiola, gamit ang mga pekeng dokumento tulad ng payslip, Identification Card, at Income Tax Return (I.T.R.).
Sa pagkakataong ito, siniguro ng Bahala si Tulfo at BITAG na ang inihanda naming patibong para sa kolokoy ang maglalagay sa kanya sa bilangguan.
Nagtagumpay naman ang entrapment operation na aming ikinasa sa tulong na Criminal Investigation and Detection Group- Central Police District (CIDG-CPD) sa pamumuno ni P/Sr.Supt Nelson Yabut.
Kasalukuyang nakaditine ang suspek sa Camp Crame sa salang Estafa at falsification of public and commercial documents.
Sa ganitong mga uri ng modus nahahamon ang BITAG dahil alam naming hindi nag-iisa ang suspek at meron itong malaking sindikato na kinasasandalan.
Ang modus na ito ay nagsisilbing banta sa mga empleyadong may mga posisyon sa malalaking kumpanya dahil sila ang mga kuwalipikado sa application ng loan at credit cards.
Kayat pinag-iingat namin ang lahat hindi lamang ang mga propesyunal, maging maingat sa mga dokumentong inyong ipinapasa sa anumang uri na may kinalaman sa aplikasyon.
Maaaring isa kayo sa mga susunod na maging biktima na malikhaing pamamaraan ng sindikatong pinamumunuan nito.
Wag mag-atubiling makipag-ugnayan sa Bahala Si Tulfo at BITAG dahil nakakasa na ang aming patibong.
Alam na namin ang estilo ng sindikatong ito, sinisiguro namin na may kalalagyan ang mga katulad niyong manloloko!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest