^

PSN Opinyon

Hero si Capt. Aniano M. Amatong Jr.

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
Happy 53rd Birthday kay Ka Ed Castillo, ang Prez ng Seagulls Flight Foundation Incorporated, ang number 1 drug rehabilitation sa Pinas.

Ang pagbati ay galing sa kanyang mga kaibigan na sina Jerry S. Yap, Chief Kuwago, mga miyembro ng NAIA Press Corps Inc.

Sana Ed, keep up the good golf, este mali, work pala!

Ang isyu, buhay ni Philippine Air Force Capt. Aniano M. Amatong Jr., piloto ng OV-10 aircraft ang naging kapalit nang bumagsak ang kanyang airplane sa isang palaisdaan sa Paombong, Bulacan noong Martes ng umaga.

Pilit na iniwas pala ni Capt. Amatong ang kanyang sinasakyang aircraft na bumagsak sa mga kabahayan sa nasabing place.

Marami kasi ang madadamay at malamang mamatay pa kung nagkataong bumagsak ang kanyang sinasakyan todits.

Pinauna pala ni Capt. Amatong na mag-eject sa kanyang kinauupuan si Capt. James Acosta, ang co-pilot nito, dahil gusto niyang maniobrahin na dehins tamaan ang mga houses kapag bumagsak ang kanyang aircraft.

Buhay si Capt. Acosta sa awa ng Diyos!

Ang inside story, sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umalis pala sa Danilo Atienza Airfield, Sangley Air Base, Cavite City about 8:46 a.m. noong Tuesday January 24 papunta sa isang secret mission sina Capt. Amatong Jr. and Capt. Acosta going to Pampanga.

May explosive bomb pala ang aircraft na ihuhulog sa isang lugar na dehins ikinuwento ng mga asset sa mga Kuwago ng ORA MISMO.

Kaya nang magkaroon ng aberya sa ere ang plane ay ginawang maniobrahin pabagsak sa isang palaisdaan ito para maiwasan na may madamay na civilian.

Hindi naman sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO kung ilang bomba at anong uri ang dala nila.

Kaya naman nanglulumo ang mga kasamahan natin sa lamesa habang ibinibida ito sa mga kuwago ng ORA MISMO.

Nakikiramay ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pamilya ni Capt. Amatong Jr.

"Nakakakilabot ang istoryang nakarating sa mga kuwago ng ORA MISMO regarding sa heroic act ni Capt. Amatong Jr.," sabi ng kuwagong retiradong heneral.

"Biro mo nagbuwis siya ng buhay alang-alang sa mga civilian na inosenteng madadamay kung bumagsak ang eroplano nito sa kani-kanilang mga houses," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Dapat parangalan si Capt. Amatong regarding this!"

"Diyan kamote tama ka."

ACOSTA

AMATONG

AMATONG JR.

AMATONG JR. AND CAPT

ANIANO M

CAPT

CAVITE CITY

CHIEF KUWAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with