NAIA security di puwedeng ikompromiso
January 28, 2006 | 12:00am
MARAMI ang tutol sa panukalang $5 security fee ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga lumilisang pasahero sa NAIA. Kung ang kapalit ng maliit na halaga ay kaligtasan ng maraming pasahero, bakit tututulan ito?
Sinisisi ng Airline Operators Council (AOC) ang International Air Transportation Association na siya raw dahilan kung bakit gustong ipataw ang dagdag na singil na ito. Ang IATA ang nagsabi na isang standard practice sa maraming paliparan sa daigdig ang maningil ng security fee.
Isang realidad ang banta ng terorismo. Kung afford mong gumasta ng libu-libong piso para sa paglalakbay, bakit hindi ka mamuhunan ng kaunti para sa iyong seguridad? Ang unang pinakamalagim na terrorist act ay nangyari mismo sa United States of America noong Sept. 11, 2001. Kung magtagumpay ang AOC sa pagpigil sa singiling ito at (huwag itutulot ng langit!) magkaroon ng malagim na terrorist attack, sino kaya ang sisisihin? Ayokong isiping kasabwat ng mga terorista ang AOC.
Hindi kaya nakikita ng AOC na sa ibang bansa ay wala namang tumututol sa paniningil ng security fee? Ang sinisingil na halaga ay maliit na parte lang ng kabuuang halagang ginagastos ng MIAA para tiyakin ang seguridad sa paliparan. Dati nga, sinosolo ng MIAA ang gatusin pero mabigat kung hindi tutulong ang mga pasahero. Di birong halaga ang ginagastos sa pagmamantini ng mga pasilidad, kasama na ang pag-aaruga sa mga bomb sniffing dogs at marami pang iba. Sabi nga ni tokayong General Manager Al Cusi, dumating na ang puntong hindi na kayang balikatin ng MIAA ang lahat ng gastos porke prime target ng mga international terrorist ang paliparan.
Nilinaw ng MIAA na exempted sa security fee ang mga "bagong bayani" o mga Overseas Filipino Workers na hindi rin sinisingil ng terminal fee at airport tax. Ang panukalang security fee ay dumaraan sa masusing hearing at pagkatapos nito, dapat magpasya ang MIAA kung itoy ipatutupad o hindi. Pero hindi naman marahil dapat dinggin ang pag-aalboroto ng AOC laban sa security fee at isaalang-alang ang kaligtasan ng libu-libong pasahero na gumagamit ng paliparan araw-araw.
Kapag naibasura ang proposal na ito, tiyak na tiyak kong magpipista sa tuwa ang mga terorista.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended