May balita ako na 50-50 ang lagay na makina nina Santos at Viscarra sa Parañaque City. Ang ibig kong sabihin mga suki, kung 40 ang makina ni Santos ganun din dapat ang kay Viscarra. He-he-he! Hala hagupitin mo na ang makina sa lugar mo Supt. Estilles!
Kung sabagay, matagal ko nang binibira ang video karera nina Santos at Viscarra sa Parañaque City subalit nagtataka ako kung bakit ayaw silang galawin ng pulisya.
May basbas kaya sina Santos at Viscarra ni Mayor Jun Bernabe? Kasi nga itong operation ng video karera ay hindi naman lalaganap kung walang basbas ng mga pulitiko tulad ni Berna-be at mga kapulisan. Kayat kahit abot langit na ang perhuwisyong dulot ng video karera sa mga kabataan, aba nagbingi-bingihan lang ang pulitiko tulad ni Berna- be at mga kapulisan dahil namamantikaan na rin ang mga nguso nila.
Kaya sino ang dapat sisihin ni Estilles kung hindi niya makuha ang Best Po-lice Station ng NCRPO? Ang sarili niya o si Mayor Bernabe? He-he-he! Masalimuot talaga ang problemang dulot nitong video karera, no Gen. Querol Sir?
At bakit hindi rin maikumpas ni Gen. Querol ang kamay na bakal niya laban sa video karera, hindi lang ni Santos at Viscarra kundi maging sa mga pulis na sina Romy Malang, Jerry Peralta, Maj. David at Renel Bernardo sa QCPD? Isama ko na si Bebet Aguas na may 17 makina sa Pasay City. Sina Malang, David, Peralta at Bernardo ay may ka-grupo na sibilyan na sina Eric Francisco, Lito Mison, Benny Ang, Mel Espinosa at Malang brothers. Maaring nasa Cloud 9 sa ngayon si Querol dahil sa tiwala ng Palasyo sa kanya subalit mukhang semplang siya pagdating sa kampanya laban sa video karera. Kung noong panahon ni Dep. Dir. Gen. Avelino Razon sa NCRPO mayat-maya ay nagsusunog ng nakumpiskang video karera subalit dito kay Gen. Querol ay bokya? Ang ibig bang sabi- hin niyan kung si Razon ay may kampanya, si Gen. Querol WALA? Kaya pala nakangisi palagi ang mga video karera operators dahil alam nila hindi sila gagalawin ng pulisya sa liderato ni Querol.
Abangan!